BREAKING NEWS

PBBM pwede nang bawasan o suspindehin ang buwis sa gas, ‘special powers’ aprub

PBBM pwede nang bawasan o suspindehin ang buwis sa gas, 'special powers' aprub
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

PUMIRMA na si Pangulong Bongbong Marcos sa batas na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na suspindihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ito'y kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dahil sa sigalot sa Middle East.

Ayon sa Republic Act No. 12316, pwede nitong ipatupad ang pagbawas o suspensyon ng buwis sa gasolina kapag umabot o lumampas ang average na presyo ng Dubai crude oil ng $80 o mahigit P4,000 kada bariles sa loob ng isang buwan.

"The suspension or reduction may be applied to specific petroleum products and implemented either as a full suspension or partial reduction of the applicable excise tax rates under this Section, as may be warranted by prevailing conditions," sey sa batas.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos inanunsyo P10,000 fuel subsidy sa passenger buses

Inilahad din sa nasabing RA 12316 na ang suspensyon o pagbawas ng buwis ay maaaring tumagal ng hanggang tatlong buwan, at ang kabuuang panahon ng lahat ng extension ay hindi hihigit sa isang taon. 

Kapag bumaba ang presyo ng langis sa nasabing presyo o natapos ang tatlong buwan, automatic na babalik sa normal ang buwis sa gasolina, walang kailangan pang batas o utos ng pangulo.

Ang kapangyarihang ito ay pwedeng gamitin hanggang December 31, 2028 lamang.

Dagdag pa rito, kailangan ng pangulo na magbigay ng report sa Senado at Kamara sa loob ng 15 araw matapos ipatupad ang suspensyon o bawas-buwis. 

Dito ibabandera ang batayan ng aksyon, ang nawalang kita, at benepisyo sa mga pamilya. 

Kasama rin sa report ang posibleng epekto sa inflation at presyo ng gasolina, pati na rin ang cost analysis at market assessment.

"The report shall include a recommendation on whether the suspension or reduction of excise taxes should be maintained, modified, or lifted, and shall form part of the basis for any continued suspension or reduction," nakasaad sa RA 12316.

Habang ipinatutupad ang suspensyon o pagbawas, kailangan din ng mga kumpanya ng langis na mag-report buwan-buwan sa DOE tungkol sa presyo at cost components ng kanilang mga produkto.

The post PBBM pwede nang bawasan o suspindehin ang buwis sa gas, 'special powers' aprub appeared first on Bandera.


PBBM pwede nang bawasan o suspindehin ang buwis sa gas, ‘special powers’ aprub PBBM pwede nang bawasan o suspindehin ang buwis sa gas, ‘special powers’ aprub Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close