Angeline Quinto ga-graduate na sa college, inaming nagmakaawa noon sa mga prof

SA wakas ga-graduate at makukuha na ng Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto ang kanyang college diploma.
Masayang ibinalita ni Angeline na magtatapos na siya sa kolehiyo ngayong June, 2026 ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management mula sa Immaculada Concepcion College.
Ayon kay Angeline, talagang isinikreto muna niya sa kanyang pamilya ang pagbabalik niya sa pag-aaral para sorpresahin ang mga ito kapag ga-graduate na siya.
"Hindi alam ng family ko and asawa ko (na bumalik sa kolehiyo). Ang pagtupad ng pangarap walang pinipiling edad.
"Kahit wala na si Mama Bob, itinuloy ko pa rin pangarap," ang pagbabahagi ng Birit Queen sa contract signing niya sa One Music Management at Star Music.
Talagang kinarir daw niya ang hirap at sakripisyo na pagsabay-sabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho, ang pagiging wifey at mommy at pagbubuntis sa second baby niya para lamang matupad ang pangarap niyang makapagtapos.
"Noong time nagbubuntis ako sa pangalawang baby namin, kapag buntis iba-iba moods. Noong time na ginagawa namin 'What's Wrong With Secretary Kim,' kasabay noon sumasagot ako ng modules.
"May time na bumagsak ako. Nagmamakaawa ako sa profs ko para pabalikin ako sa school. Salamat sa professors ko.
"Ang dami kong pinagsabay-sabay ng panahon na yan. Ipinagdasal ko na 'Lord matapos ko lang to, pangarap ito ng Mama Bob sa akin,'" aniya pa.
Samantala, excited ding ibinalita ni Angeline na this year, bukod sa pag-graduate, looking forward din siya sa pagbabalik-concert, muling pag-arte at pagri-release ng original single at paggawa ng original soundtrack (OST) para sa isang bagong serye.
The post Angeline Quinto ga-graduate na sa college, inaming nagmakaawa noon sa mga prof appeared first on Bandera.

No comments: