BREAKING NEWS

SB19 unang P-pop group na eeksena sa Lollapalooza sa US, BINI nagbunyi

SB19 unang P-pop group na eeksena sa Lollapalooza, BINI nagbunyi
BINI at SB19

NAGBUBUNYI ang buong music industry sa latest achievement ng super P-pop group na SB19 – iyan ay ang nakatakdang pagpe-perform nila sa Lollapalooza.

Ang Lollapalooza, ay isang four-day American music festival na ginaganap taon-taon sa Amerika at ang SB19 nga ang kauna-unahang P-pop group na naimbitahan dito.

Magaganap ang annual music festival na ito mula July 30 hanggang August 4 sa Grant Park, Chicago, USA.

Ibinahagi ng Live Nation Philippines ang good news sa social media, "A proud moment for Filipino music.

"SB19 takes the stage at Lollapalooza, one of the world's biggest music festivals. Live Nation Philippines is proud to stand behind you, SB19. Congratulations! #SB19xLollapalooza."

Sa Instagram page naman ng Lollapalooza mababasa ang iba pang magtatanghal sa naturang music fest, tulad nina Olivia Dean, Charli xcx, Tate McRae, Jennie ng BLACKPINK, Lorde, The Smashing Pumpkins, at The XX.

Samantala, super happy and proud naman ang Nation's Girl Group na BINI sa panibagong milestone sa career ng SB19.

Nang malaman nila ang good news, agad nagpaabot ng pagbati ang BINI sa tinaguriang Kings of P-pop.

Ini-repost ng BINI ang announcement post ng SB19 patungkol sa Lollapalooza na may caption na, "A win for @SB19Official, a win for OPM! Huge congrats on your Lollapalooza journey! 

"From PH to the world… mabuhay ang musikang Pilipino!" ang mensahe ng BINI.

Sa comment section ng naturang post ay nagpasalamat naman ang SB19, "Maraming salamat All the best din sa Coachella nyo this April! Mabuhay ang musikang Pilipino, lagi lagi!" 

The post SB19 unang P-pop group na eeksena sa Lollapalooza sa US, BINI nagbunyi appeared first on Bandera.


SB19 unang P-pop group na eeksena sa Lollapalooza sa US, BINI nagbunyi SB19 unang P-pop group na eeksena sa Lollapalooza sa US, BINI nagbunyi Reviewed by pinoyako on March 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close