BREAKING NEWS

Sachzna Laparan nanlibre ng gas sa mga drivers: Full tank natin ‘yan!

Sachzna Laparan nanlibre ng gas sa mga drivers: Full tank natin 'yan!

MARAMI ang bumilib sa social media personality na si Sachzna Laparan matapos siyang manlibre ng gasolina sa mga drivers sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo nito dahil sa nagaganap na gyera sa Middle East.

Sa kanyang latest vlog, ibinandera ng dalaga na nais niyang magpasaya ng tao bilang selebrasyon na rin ng kanyang pag-graduate sa kolehiyo.

"Bigla ko lang naisip na sobrang daming problema ng Pilipinas at gusto kong gumawa ng mabuti ngayong araw at kaga-graduate lang natin so gusto kong mag-give back," saad ni Sachzna.

Aniya, ngayong nagtataasan na ang presyo ng gasolina na isa sa problemang kinakaharap ng mga Pinoy, nais niyang makatulong na maibsan ang bigat nito lalo na sa mga ang hanapbuhay ay pamamasada.

Baka Bet Mo: Trulili ba, Sachzna Laparan binili lang ang ibinanderang college diploma?

Pagbabahagi ni Sachzna, "Gusto kong makatulong sa kapwa natin na nagtatrabaho ng marangal at alam kong ang price increase ang isa sa nagiging problema nila. At kahit papaano, ngayong araw, mapagaan natin ang buhay nila.

"Ang gagawin natin ngayon ay ipapa-full tank natin ang kanilang mga sasakyan— jeep, tricycle, Grab, Lalamove, taxi. Basta 'yung mga naghahanapbuhay. Kukunpletuhin natin ang kanilang araw ngayon. Ipapa-full tank natin sila."

Bakas naman ang kasiyahan sa mga masuwerteng tsuper na nasaktuhan ni Sachzna na nagpapa-gas sa isang gas station sa Quezon City dahil bukod sa libreng full tank ay nagbigay na rin ito ng pang-boundary.

Bukod rito, may isang lola rin na binigyan niya ng pinasyal na tulong dahil kasalukuyang nasa ospital ang apo nito.

Sa huli ay hinikayat ni Sachzna ang iba pang vloggers na tulad niya ang gawin ang ganitong content para makatulong sa mga namamasada.

"Masayang-masaya ako sa nagawa ko… Sana marami tayong natulungan at napasaya ngayong araw na ito… Hindi talaga madali ang magtrabaho lalo na sa ginagawa ng lahat ng drivers.

"Sana marami pang gumawa ng ganito, hindi lang ako. Ine-encourage ko kayo na gumawa rin ng ganito. Minsan lang," sabi pa ni Sachzna.

The post Sachzna Laparan nanlibre ng gas sa mga drivers: Full tank natin 'yan! appeared first on Bandera.


Sachzna Laparan nanlibre ng gas sa mga drivers: Full tank natin ‘yan! Sachzna Laparan nanlibre ng gas sa mga drivers: Full tank natin ‘yan! Reviewed by pinoyako on March 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close