SB19 sa AI-generated covers: ‘Very unethical, should be illegal!’

MAINIT na isyu ngayon sa music industry ang pagdami ng AI-generated covers, lalo na ang paggamit ng boses ng mga artista nang walang pahintulot.
Kaya naman sa presscon kamakailan lang ng P-Pop kings na SB19, naitanong ng BANDERA kung ano ang saloobin ng P-Pop kings tungkol sa kontrobersiya.
Para kay Pablo, maraming natutulong ang paggamit ng teknolohiya, pero ito ay dapat may hangganan.
"I think AI po is a very powerful tool. And ako po, personally, strong believer po on innovation. I think it's really important. But siguro po not at the expense of yung may ninanakaw na 'yung identity ng mga artist," sagot niya sa amin.
Baka Bet Mo: SB19 wish magka-Grammy award: 'Kailangan pa naming mag-work hard!'
Paliwanag pa ng lider ng grupo, "Magiging dangerous po kasi siya kapag walang consent ng mga artist na ginagamit 'yung mga gawa nila. And, for sure, 'yung mga artist from ground up binuo nila o sinulat nila, talagang pinaghirapan nila 'yung mga nilalabas nila and kung paano sila nabuo as a person. So for these, softwares or companies to use it without the license, I think it's very unethical, and I think it should be illegal."
Giit ni Pablo, dapat mas higpitan ang rules at bigyan ng "full control" ang artists kung paano gagamitin ang kanilang boses, imahe, at creative works.
"Sana po 'yung mga gumagawa ng ganito mga innovation, dapat mas patindihin pa nila 'yung rules or maging strict sila pagdating sa paggamit or siguro dapat 'yung mga artist acts the soul control kung gusto nila ipagamit 'yung identity nila or 'yung personality nila, 'yung creative outputs nila dito sa mga ganitong klase," patuloy niya.
Aniya pa, "Personally, pero naniwala po kami na innovation is great po. Kailangan lang maging maayos and maprotektahan ang mga artist."
Sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng AI, naninindigan ang SB19 na dapat protektado ang karapatan ng mga artist, lalo na sa usapin ng consent at ownership.
Hindi raw sapat ang basta paggamit ng teknolohiya kung kapalit naman nito ang integridad ng isang performer.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pag-arangkada ng grupo sa international scene, kabilang ang kanilang inaabangang performance sa Lollapalooza Chicago, kung saan target nilang ibandera ang world-class talent ng mga Pilipino.
Kasabay nito ang paglabas ng kanilang bagong album na "Wakas at Simula," isang project na nagsisilbing closure ng kanilang trilogy at panibagong yugto sa kanilang career.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid02mEDKKggvvk64fsQq88TBvZMPJGDgLeVnvqvjBmRfUE7Pivcmq1rBoJ2DZ4yfGiLzl&show_text=true&width=500" width="500" height="754" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Tampok dito ang iba't ibang eksperimento sa tunog tulad ng Rage Pop at Brazilian Funk, pati na ang collaborations kina Jolin at BE:FIRST.
Mapapakinggan na ang album sa lahat ng digital platforms sa ilalim ng Sony Music Entertainment.
The post SB19 sa AI-generated covers: 'Very unethical, should be illegal!' appeared first on Bandera.

No comments: