BREAKING NEWS

Jake Cuenca, Rabiya Mateo nagharutan, elepante naetsapwera!

Jake Cuenca, Rabiya Mateo nagharutan, elepante naetsapwera!
Jake Cuenca at Rabiya Mateo

NAGPASABOG ng kilig at good vibes ang rumored celebrity couple na sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo sa social media.

Nagpalitan kasi ng mensahe sina Jake at Rabiya na tila naglalambingan at nakikipag-flirt sa isa't isa na talagang ikinakilig ng mga netizens. 

Hindi nakapagpigil ang Kapamilya actor na ilabas ang kanyang nararamdaman para kay Rabiya nang makita ang latest photo nito sa Instagram.

Nag-post kasi si Miss Universe Philippines 2020 sa IG ng ilang litrato na may katabing elepante na kuha sa Chiang Rai, Thailand.

Ayon kay Rabiya, bukod sa pamamasyal sa ilang tourist destination sa Thailand ay may dinaluhan din daw siyang kasal doon..

"Wedding szn. Honored to witness a forever kind of love. Wearing @theruffyitaas @ruffyouright," ang nakasaad sa caption ni Rabiya.

Sa comment section ng post ng aktres, mababasa ang komento ni Jake, "Breathtaking. Definitely not looking at the elephant."

Sinagot naman ni Rabiya ang mensahe ni Jake, "Keep looking."

Kung matatandaan, naging usap-usapan sina Jake at Rabiya matapos maispatang magkasama sa isang restaurant sa Bonifacio Global City (BGC).

Sa isang panayam, kinumpirma ni Rabiya na may nagpapasaya sa kanya ngayon.

Nasa "happy place" raw ang estado ng kanyang puso matapos ang breakup nila ng kanyang ex-boyfriend, ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

"Parang tumitibok naman siya in general. Pero I would say na I'm in a happy place, very, very happy. I'm so grateful sa lahat ng lessons from the past.

"It made me realize na kung ano man yung mga heartaches or yung mga bad na nangyari sa 'yo in the past, it's gonna get better. Sasaya ka ulit," sabi ni Rabiya.

"Kasi nasa process pa lang ng kailangan mo talagang kilalanin at kailangan mo tingnan if compatible ba kayo or not. 

"Yung compatibility, loyalty, even love, it is tested with time so I need to wait for it, walang minamadali," chika ng dalaga.

"Ine-enjoy ko lang yung process pero I think yung paglagay ng label, I think nasa babae din yan, nasa akin yung ball game ngayon. 

"Hawak ko yung bola ngayon. I just want to take things slow. I think we have this common understanding na we want to know each other," sabi ni Rabiya. 

The post Jake Cuenca, Rabiya Mateo nagharutan, elepante naetsapwera! appeared first on Bandera.


Jake Cuenca, Rabiya Mateo nagharutan, elepante naetsapwera! Jake Cuenca, Rabiya Mateo nagharutan, elepante naetsapwera! Reviewed by pinoyako on March 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close