San Antonio sa Zambales ‘top tourist destination’ sa Central Luzon!

CERTIFIED pang-"out of town goals" na, mga Ka-Bandera, ang bayan ng San Antonio sa Zambales!
Kinilala kasi ito matapos makuha ang "Top Tourist Destination – Municipality" sa ginanap na Tourism Recognition for Enterprises and Stakeholders (TRES) Awards ng Department of Tourism – Central Luzon.
Kilalang-kilala ang naturang bayan sa mala-postcard na ganda ng mga tahimik na coves at patok na island-hopping, kaya naman hindi na nakapagtataka na dagsa ang mga turistang gustong mag-relax at mag-unwind.
Personal na tinanggap ni San Antonio Mayor Arvin Antipolo ang parangal noong March 27 sa isang hotel sa Clark.
Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: 'Bahay Modernismo' bagong heritage house museum sa QC
Todo ang pasasalamat ng alkalde dahil patunay raw ito na kahit may pagsirit ng presyo ng krudo, hindi napipigilan ang pagdagsa ng turista!
"Tourist arrivals continue to increase. Even this month, despite higher diesel prices, our destinations remain full — not only on weekends but also on weekdays," sey ni mayor sa panayam na iniulat ng INQUIRER.
Ayon sa datos, bongga ang itinaas ng bilang ng bisita na mula 324,397 noong 2024 ay tumaas ito sa 400,417 noong 2025.
At take note, kahit hindi pa tapos ang unang bahagi ng taon, may mahigit 114,000 visitors na agad!
Dagdag pa ni mayor, malaking tulong ang pagkilala sa kabuhayan ng mga residente, mula sa mangingisda, tindera, tricycle driver, hanggang sa mga bangkero na naghahatid sa mga isla.
"That is what we are seeing now—the town is earning through tourism fees," sey ni Antipolo.
Aniya pa, "Indirectly, it benefits the government, but directly, it benefits our residents through the multiplier effect of tourism."
At hindi rin daw pang-sosyal na resort ang peg ng lugar, dahil mas patok ito sa budget travelers na game sa commute at adventure.
Samantala, hindi lang San Antonio, Zambales ang umariba, rumampa rin sa winners circle ang iba pang bayan sa Zambales!
Ang Masinloc, panalo sa Most Outstanding Environmental Tourism Program dahil sa kanilang eco-friendly initiatives na nagtuturo ng marine conservation.
Habang ang Botolan, winner sa Most Outstanding Heritage and Cultural Program dahil sa kanilang promosyon ng Mount Pinatubo.
Hindi rin nagpahuli ang San Felipe, na nag-first runner-up sa Top Tourist Destination category.
Sa kabuuan, ang TRES Awards ay kumikilala sa mga local government at tourism programs na talagang may ambag sa pag-angat ng turismo sa Central Luzon.
The post San Antonio sa Zambales 'top tourist destination' sa Central Luzon! appeared first on Bandera.

No comments: