Joint hearings sa Middle East crisis response iniutos ni Speaker Dy

IPINAG-UTOS ni House Speaker Faustino "Bojie" Dy III ang pagsasagawa ng joint hearings para sa mga panukala na magiging daan sa mabilis na pagtugon sa krisis sa Middle East.
Ayon kay Dy, ang mga pag-uusapan sa mga isasagawang pagdinig ay ang pagbibigay ng agarang tulong at pagpapatibay sa ekonomiya.
Makakasama sa mga pagdinig ang mga kinauukulang ahensya.
"Ang kailangan natin ngayon ay malinaw na plano, hindi lang para sa ngayon, kundi para sa mga susunod na buwan at taon," sabi ni Dy.
Idiniin niya na ang layon ng mga pagdinig ay maghanap ng mga solusyon at hindi magsisihan.
Kasama sa mga gagawing pagdinig ang House committees on Energy, Foreign Affairs, Ways and Means, Labor and Employment, Transportation, Economic Affairs, Social Services, at Aquaculture and Fisheries,
"Hindi natin kontrolado ang nangyayari sa labas ng bansa, pero kontrolado natin kung paano tayo tutugon sa mga hamong ito. Ang mahalaga, handa tayo, mabilis tayo at sama-sama tayo sa paghahanap ng solusyon," sabi pa ni Dy.
Isasagawa ang serye ng mga pagdinig simula pagkatapos sa Semana Santa.
The post Joint hearings sa Middle East crisis response iniutos ni Speaker Dy appeared first on Bandera.

No comments: