#SerbisyoBandera: JO1 Ranter Belwa kinilalang Best Jail Officer sa San Juan

IKA nga nila, "Hindi sa ingay nasusukat ang galing, kundi sa tapat na paglilingkod."
Ito ang pinatunayan ni JO1 Ranter Belwa na kinilalang Best Jail Officer ng San Juan City Jail-Male Dormitory, dahil sa kanyang walang sawang dedikasyon at mahusay na serbisyo sa tungkulin.
Bilang Records, Subpoena Receiving Officer at Court Verifier, araw-araw na hinaharap ni Belwa ang mabibigat na responsibilidad sa loob ng kulungan, mula sa maayos na dokumentasyon hanggang sa pakikipag-ugnayan sa korte.
Kaya naman hindi na nakapagtataka na siya ang mapiling parangalan sa naturang kategorya.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Higit 20 PDL ng San Juan City Jail graduate na ng ALS Program
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1480832570429807%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe> Ang pagkilala ay iginawad sa State of the City Address (SOCA) ni San Juan Mayor Francis Zamora noong March 27 sa Makabagong San Juan National Government Center, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 119th Araw ng San Juan.
Bukod kay Belwa, kinilala rin ang iba pang natatanging kawani mula sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Samantala, personal ding dumalo si Jail Warden JSUPT Erico Llamasarez upang ipakita ang suporta sa kanilang hanay at ipagdiwang ang tagumpay ng kanilang mga tauhan.
The post #SerbisyoBandera: JO1 Ranter Belwa kinilalang Best Jail Officer sa San Juan appeared first on Bandera.

No comments: