Rowena Guanzon kay Robin: Na-judge kita noon pero bilib ako sa ‘yo ngayon

KINAIN ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Atty. Rowena Guanzon ang pambebengga niya noon kay Sen. Robin Padilla.
Aminado ang dating opisyal na may nararamdaman siyang hiya sa pangmemenos niya kay Sen. Robin noong kumandidato at nanalo itong senador noong 2022.
Nalaman ni Guanzon ang pagsuporta sa kanya ng action star at public servant nang ilantad ang kanyang intensiyon na tumakbong senador sa 2028 na mukhang mapapasama sa tiket ni Vice President Sara Duterte na tatakbo naman bilang Pangulo.
Sa Facebook, sinabi ni Padilla na bilang isang Muslim, hindi raw niya ikinagalit ang panlalait at pangmamalaliit sa kanya, kabilang na ang pagtawag sa kanya noon ni Guanzon na "low IQ" o may mababang intelligence quotient.
"Hindi ko po ikinakasakit ng damdamin ang mga ipinupukol sa akin bagkus ako po ay naliligayahan dahil katulad ng sinapit na pag maltrato sa propeta muhamad saw ay tumataas pa ang aking pananampalataya at ipinagdarasal ko na lamang ang nararamdaman na pang aapi.
"Si Atty. Guanzon ay kailangan ni VP Sara Duterte at ng mga Pilipino," saad ni Robin.
"Never mind the praises of this world. What matters is the judgement of Allah," aniya pa.
Ni-repost naman ni Guanzon ang Facebook post ni Robin na may caption na, "Na-judge kita noon pero bilib ako sayo ngayon. Saludo sa supremo."
Pagpapatuloy pa niya, "Hindi kami nag uusap pero bilib na bilib ako sa paninindigan ni Sen. Robin Padilla sa pagtindig sa desisyon na suportahan ako kahit may mangilan ngilan na di siya maintindihan at may pag aalinlangan sa akin.
"Part of me ay hiya sa mga nasabi ko sa kanya dahil aminado ako, nasa puso niya talaga ang paglilingkod, yun yung di ko nakita noon, yan yung nagpausisa saakin bakit yan naging #1 senator nung 2022 kahit walang pera na nilabas na kahit bestfriend ko na abogada at classmate sa UP College of Law ay binoto siya," aniya pa.
"Ang maipapangako lang sayo Sen, Hinding hindi kita ipapahiya sa pagtaya mo saakin," aniya pa.
The post Rowena Guanzon kay Robin: Na-judge kita noon pero bilib ako sa 'yo ngayon appeared first on Bandera.

No comments: