Castro sinupalpal si Imee: Ang Pangulo, hanggang ngayon faithful sa asawa

BINARAG na naman ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro si Sen. Imee Marcos.
Hindi pinalampas ni Castro ang naging patutsada ng senadora laban kay Pangulong Bongbong Marcos sa inilabas nitong Holy Week content sa Facebook.
Ayon kay Sen. Imee, base sa ipinost nitong video na may temang "Pagsisisi at Pagpapatawad", humingi siya ng tawad sa amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., dahil hindi niya nabantayang mabuti ang kapatid na si PBBM.
"Hindi ko nabantayan, e. Kaya, Dad, sinikapan ko talaga, pinagpilitan ko. Nayayamot na nga sa akin si Bongbong. Alam ko naman, pero hindi ko talaga kinaya," ani Sen. Imee.
Sinagot naman ito ni Castro sa isang press briefing at tinanong kung sino talaga ang hindi nabantayan ng magulang at nakapagbantay sa kapatid sa pagitan nila ni PBBM.
"Sino kaya talaga ang hindi nabantayan ng magulang at sino ba talaga ang hindi nabantayan ang kapatid?"
"Unang-una po, ang Pangulo at hindi po ito nagmumura, hindi ito nagme-meltdown lalo na sa publiko, at hindi po ito nagbabanta sa buhay nino man.
"Ang Pangulo po ay ikinasal, may pamilya, hanggang ngayon ay faithful sa asawa," ang patama pa ni Castro kay Imee.
Hirit pa niya, "So sino po kaya ba ang naging pasaway? Sino po kaya ang dapat na binantayan?
"Ang paghihingi ng patawad, 'yon pang hindi pagbabantay sa kaniyang kapatid o ang paninira ng kapatid sa publiko?" sabi pa ng Palace officer.
"Alam po ng Pangulo ang nangyayari sa atin at sa mga pangyayari sa ating paligid. Asahan po natin ang Pangulo, hindi po siya naninira ng kaniyang kapatid," pambebengga pa ni Castro kay Imee Marcos.
The post Castro sinupalpal si Imee: Ang Pangulo, hanggang ngayon faithful sa asawa appeared first on Bandera.

No comments: