BREAKING NEWS

Imee Marcos humingi ng tawad kay VP Sara: Ipinahamak ko siya, guilty ako

Imee Marcos humingi ng tawad kay VP Sara: Ipinahamak ko siya, guilty ako
Imee Marcos at Sara Duterte

NAG-SORRY si Sen. Imee Marcos kay Vice President Sara Duterte dahil ipinahamak daw niya ito sa mundo ng politika.

Bilang bahagi ng paggunita niya sa Semana Santa ngayong taon, muling nagbahagi ng mensahe ang Presidential Sister, and this time para nga kay VP Sara.

Sa kanyang Facebook page, inamin  ni Sen. Imee na totoong ipinahamak niya ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

"Hihingi rin siguro ako ng tawad dapat sa mga Duterte, higit lalo sa VP natin. Kay Inday Sara. 

"Ipinahamak ko siya, e. Talagang naiisip ko na guilty na guilty ako," ang pahayag ni Sen. Imee.

Dugtong ng senadora, "Sana nananahimik sa Davao 'yon. Mayor siya,  walang kalaban-laban, walang hassle, walang gulo. 

"Si Presidente, si Tatay Digong, nandito sana sa piling natin," aniya pa.

Ang ikalawang bahagi ng kanyang Holy Week content sa FB ay may temang "Pagsisisi" para sa Martes Santo habang ang nauna niyang inilabas na video nitong Lunes Santo ay tungkol naman sa "Pagpapatawad".

Dito, nag-sorry siya sa yumaong amang si former President Ferdinand Marcos, Sr., "Dad, patawad, hindi ko talaga kinaya.

"Parating binibilin si Bongbong, bantayan mo yung kapatid mo. Parating sinasabing ganun. Hindi ko nabantayan eh.

"Kaya dad, sinubukan ko talaga. Pinagpilitan ko. Nayayamot na nga sa akin si Bongbong. Alam ko naman. Pero hindi ko talaga kinaya," aniya.

The post Imee Marcos humingi ng tawad kay VP Sara: Ipinahamak ko siya, guilty ako appeared first on Bandera.


Imee Marcos humingi ng tawad kay VP Sara: Ipinahamak ko siya, guilty ako Imee Marcos humingi ng tawad kay VP Sara: Ipinahamak ko siya, guilty ako Reviewed by pinoyako on March 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close