‘Marilag’ hitmaker Dionela ikinasal na kay Meizy Mendoza

NAGPAKASAL na ang OPM singer-songwriter na si Dionela sa kanyang longtime partner na si Meizy Mendoza, apat na buwan matapos ang kanilang engagement.
Nangyari ang wedding kamakailan sa pamamagitan ng isang intimate garden-themed ceremony na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Dionela ang ilang naging kaganapan sa kasal nila ni Meizy, kabilang na ang paglalakad nito patungo sa altar.
"Wait lang sa new music mga idol, ikakasal lang kami saglit brb (be right back)," ang mababasa sa kanyang caption.
Present sa event ang Kapamilya host na si Aiyana Perlas, na siya ring nagsilbing host sa reception. Nag-post din siya ng ilang photos sa social media ng newlyweds.
"This picture confuses me BUT I love you both. Thank you for having me as your host for your very special night. It was my PLEASURE. congratulations, @mijitown @dionelaofficial," ang mensahe ni Aiyana sa picture niya with Meizy and Dionela.
Naroon din sa kasal ang mga concert director na sina Paolo Valenciano kasama ang asawang si Samantha Godinez at Nico Faustino, na siyang nagdirek sa solo concert ni Dionela sa New Frontier Theater.
Um-attend din ang kanyang fellow artists Ena Mori and Japs Mendoza ng OPM band The Juans.
Present din sa wedding ang content creator na si Ian Mark Kamangkang na mas kilala bilang si viral "Pitik Queen." Ibinandera rin niya ang kanyang famous "pitik" dance moves sa wedding reception.
"Wait super fan boy moment. I love pitik queen so much!!!! Minsan lang ako ma star struck and tonight, I was quite struckT. Oh btw, congrats Tim and meizy," ang caption ni Paolo Valenciano sa kanyang selfie post with Ian.
Matatandaang nag-propose si Dionela kay Meizy sa opening night ng kanyang "The Grace Tour Manila" concert, nang imbitahan niya ang partner para makikanta sa chorus ng song niyang "Bahaghari."
"Sinamahan mo 'ko mula umpisa, hanggang sa dulo mahal. Naalala ko na kasama kita noong binenta ko yung huling gitara ko at gusto ko nang mag-quit.
"Tapos umiiyak tayong dalawa nun. Nandito na tayo sa New Frontier, ang daming tao. Sinamahan mo 'ko mula umpisa hanggang ngayon.
"Gusto sana kitang yayain na samahan mo 'ko habang buhay," ang bahagi ng naging proposal ni Dionela sa kanyang partner.
The post 'Marilag' hitmaker Dionela ikinasal na kay Meizy Mendoza appeared first on Bandera.

No comments: