Driver na nag-123 sa gasolinahan sumuko: Graduating po kasi anak ko

NAG-SORRY na ang driver na tumakas matapos magpa-full tank ng kanyang sasakyan sa isang gasoline station sa Quezon City kamakailan.
Sumuko sa otoridad ang naturang TNVS driver at humingi ng tawad sa nagawa niyang kasalanan kasabay ng pagbibigay ng paliwanag sa kanyang ginawa.
Katwiran niya, mahina raw kasi ang kita sa kanyang pagbiyahe kaya napilitan siyang "mag-gas and run."
"Nagawa ko po 'yon dahil graduating 'yung anak ko. Wala po akong maiuwing pera. Kaya humihingi po ako ng dispensa sa nagawa ko," ang esplika ng tumakas na driver sa panayam ng "24 Oras."
Patuloy pa niya, "Ang hirap po kasi ng biyahe, e. Sa diesel lang po kasi napupunta 'yong kinikita namin, e. Halos wala nang mauwi."
Batay sa naglabasang report, sa gas pump attendant na nag-assist sa nag-123 (nanloko) na driver ikinaltas ang halaga ng gasolinang ipinakarga nito.
Kaya naman ang reaksyon ng gasoline boy, "Ginawa niya po 'yon, e. Panindigan niya po."
Ayon pa sa pulisya, bukas naman daw ang driver na makipag-ayos sa gas pump attendant pero tuloy pa rin daw ang pagsasampa ng kasong estafa laban sa kanya.
The post Driver na nag-123 sa gasolinahan sumuko: Graduating po kasi anak ko appeared first on Bandera.

No comments: