BREAKING NEWS

Jayson Gainza bumalik sa PBB house: Sana po ay tuloy pa rin!

Jayson Gainza bumalik sa PBB house: Sana po ay tuloy pa rin!
Jayson Gainza

NAPASENTI ang komedyante at TV host na si Jayson Gainza nang muling bumisita sa Bahay ni Kuya makalipas ang napakahabang panahon. 

Ito'y matapos kumpirmahin ng ABS-CBN management na tuluyan nang lilipat ng bagong tahanan ang "Pinoy Big Brother" house para sa susunod ng mga edisyon.

Naging emosyonal si Jayson nang magpunta uli sa Bahay ni Kuya kamakailan makalipas ang halos dalawang dekada nang maging housemate siya sa kauna-unahang season ng "PBB."

Nag-post ang Kapuso comedian sa social media ng litrato niya na kuha sa harap ng PBB house kalakip ang madamdamin niyang mensahe.

"Buong puso akong nagpapasalamat siyempre sa ABS-CBN, sa PBB siyempre, Direk Lauren (Dyogi). Ang laki ng utang na loob ko sa kanila.

"Pero ako ay nagpapasalamat sa PBB, season 1 po kami. Kami nina Nene (Tamayo), si Nene po ang aming grand winner. At ito po masisilayan po natin muli ang ating Big Brother house. 

"Maraming-maraming salamat po sa bumubuo ng PBB ng Big Brother house, direk Lauren, Tita LT (Linggit Tan) marami pong salamat sa inyo," ang pahayag ni Jayson.

In fairness, pagkatapos ng kanyang journey sa PBB noong 2005, nagtuluy-tuloy na ang career niya sa mundo ng showbiz.

"Sana po ay tuloy pa rin, lumipat kayo ng ibang venue pero tuloy pa rin po ang PBB. Ipinagdarasal ko po 'yon kasi marami po kayong natutulungan," aniya pa.

Nauna rito, in-announce nga ng Kapamilya Network na magsasara na ang Pinoy Big Brother house sa harap ng ABS-CBN building at nakatakda nang lumipat sa bagong location.

Ayon kay Lauren Dyogi, head of TV Production and Star Magic, "For the coming season, it's good to have a new feel naman for the new housemates. 

"We've decided to move it and build a new PBB house, abangan nila kung saan 'yung new PBB house," aniya pa.

The post Jayson Gainza bumalik sa PBB house: Sana po ay tuloy pa rin! appeared first on Bandera.


Jayson Gainza bumalik sa PBB house: Sana po ay tuloy pa rin! Jayson Gainza bumalik sa PBB house: Sana po ay tuloy pa rin! Reviewed by pinoyako on March 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close