Robin Padilla kontra sa patuloy na hearing kontra VP Sara: God help us!

DISMAYADO at feeling sad si Sen. Robin Padilla sa pagpapatuloy ng pagdinig sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.
Hindi magets ng action star at public servant kung bakit may hearing pa ang Kongreso sa impeachment case na isinampa laban sa bise presidente.
Nakatakdang ituloy ngayong araw, March 25, ng House Committee on Justice, ang kanilang pagpupulong para muling umusad ang kaso, na anila'y may sapat na mga batayan.
Sa kanyang Facebook page, naglabas ng hinaing si Sen. Robin sa pagpapatuloy ng hearing sa kabila raw ng mga kinakaharap na problema at pagsubok ngayon ng mga Pilipino.
"May impeachment pa rin pala sa gitna ng kinakaharap ng mga Pilipino," ang pahayag ni Padilla.
Ang hirit pa niya, "God help us."
Nagpadala ng liham ang naturang komite, na pirmado ni House Committee on Justice Chairperson Atty. Gerville Luistro kay VP Sara upang hikayatin itong um-attend sa naturang pagdinig.
Pero ayon sa legal team spokesperson ni VP Sara na si Atty. Michael Poa, hindi raw dadalo rito ang bise presidente.
The post Robin Padilla kontra sa patuloy na hearing kontra VP Sara: God help us! appeared first on Bandera.

No comments: