Ashley Ortega umaasang si Mavy na last BF, may inamin kina Zoren, Carmina

UMAASA at ipinagdarasal ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na si Mavy Legaspi na sana ang kanyang "last" and "forever."
Mula raw noong sinagot ng "Apoy Sa Dugo" lead star si Mavy ay talagang sinabi niya sa sarili na gusto niyang umabot ang kanilang relasyon hanggang ending.
Natanong si Ashley sa guesting niya kahapon, March 24, sa "Fast Talk With Boy Abunda" kung ano ang isasagot niya sakaling mag-propose na sa kanya si Mavy.
"Actually, Tita Boy, of course, I would want him to be my last. 'Yun na rin naman, before ko siya sinagot, and before we even started dating, I told him, the guy I'm gonna start dating again should be the last guy na," sagot ni Ashley.
"But again, anything can happen din. Ayoko rin naman magsalita ng tapos. So, let's just see. I hope it's him. I hope and pray it's him," pahayag pa ng Kapuso star.
Sey pa ni Ashley, mahirap daw na muling ma-heartbroken at mag-back to zero uli ang kanyang lovelife.
"Actually, we've been together for more than a year already. And actually, parang 'yung relationship naming dalawa, it's like we've been together for like four or five years already.
"Sobrang familiar na namin sa isa't isa. And parang tapos na rin 'yung honeymoon stage na from time to time, mag-update na tayo sa isa't isa," sey pa ng dalaga.
Inamin din ni Ashley na nabago raw siya ni Mavy, na mas bata sa kanya. Ang mga past boyfriend niya ay mas matatanda raw sa kanya.
"Noong hindi pa kami ni Mavy, siyempre 'yung mga gusto kong guys are way older than me.
"But he changed everything for me. And nagulat din ako na, 'Shocks, nakuha mo rin pala 'yung heart ko.' Ang galing niya.
"I think he got my heart by being consistent and by showing up. So, 'yun lang, na-in love ako because he was always there. He would always show up. He shows up. And super ma-effort," pagmamalaki pa niya sa Kapuso actor at host.
Sa ngayon daw ay mas napalapit pa siya sa parents ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, pati na sa kakambal ng kanyang dyowa na si Cassy.
"I just love Cassy. Like, she's my sister already. And kay Tita Carmina and Tito Zoren also, my relationship with them mas naging deeper na rin talaga.
"And talagang, sobrang light lang nila kasama, 'yung vibe nila. Nothing, anything. Yung strict na naramdaman, I never felt that. They're very welcoming," sabi ni Ashley.
The post Ashley Ortega umaasang si Mavy na last BF, may inamin kina Zoren, Carmina appeared first on Bandera.

No comments: