BREAKING NEWS

Mark Herras ‘di sinipot show sa NE kahit may downpayment na, booker kakasuhan 

Mark Herras 'di sinipot show sa NE kahit may downpayment na, booker kakasuhan 
Mark Herras

HINDI umano sinipot ni Mark Herras ang tinanguang show sa Barangay Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija kahit nakuha na ang 50% downpayment ng talent fee.

Ito ang report nina Ogie Diaz at Mama Loi sa online show nilang "Showbiz Update" kasama sina Ate Mrena, Tamerlane Mopia at Oliver Carnay.

Base sa binasang mensahe ni Mama Loi, "Binook daw nila si Mark Herras para sa isang event sa Nieves San Leonardo, Nueva Ecija apparently now show siya, hindi siya nagpunta!"

"Oh, my God!" reaksyon ni Ogie.

Tuloy ni Mama Loi, "May commitment pa raw si Mark sa grand parade."

Sabay pakita ng FB post ng Brgy. Nieves, San Leonardo NE ng larawan ng aktor na excited silang makita ang aktor-dancer para sa Barangay Fiesta 2026.

Nakalagay din ang "Dream, Believe, Survive" na iconic tagline ng reality show ng GMA 7 na "StarStruck" bilang unang winner dito si Mark kasama si Jennylyn Mercado.

Dagdag pa ni Mama Loi, "Super-dami raw tao ang nag-abang sa kanya. Kaya nagalit na 'yung buong barangay council nu'ng Nieves San Leonardo kasi nga walang reply, super dami ng tawag pero hindi nag-a-update.  

"Limang oras daw silang naghintay pero walang dumating na Mark Herras, nakapag-downpayment na raw kay Mark Herras.

"Tapos 'yung promoter sa kakakulit niya binlock na raw 'yung kanyang Facebook, Viber at saka 'yung messenger ni Mark Herras at nasira raw 'yung production number nila dahil sa kanyang hindi pagdating. Siyempre nakaayos na 'yung program."

At dahil sa hindi pagsipot ni Mark ay sasampahan ng kaso ng Sanggunian ang booker dahil siya ang may responsibilidad na um-appear 'yung talent na binook.

Sabi nga ni Ogie, "Kasi siya (booker) ang nakapirma sa kontrata ganu'n talaga 'yun."

Hirit naman ni Oliver, "Baka naman hindi maliwanag 'yung usapan nila?"

"Kapag nakapag-down na dapat itong siputin ni Mark. Hindi maganda 'yan na nangi-indiyan ka ng natanguan mong commitment at nabayaran ka ng kalahati," diin ni Ogie.

"Totoo 'Nay, napaka-importante talaga ng down payment kasi sealed na 'yung kontrata, di ba nga may mga talents na nagmamadaling kunin ang downpayment para ma-block off na nila 'yung date na 'yun sa calendar activities nila," paliwanag ni Mama Loi.

"Kaya Mark, ano bang masasabi mo rito? Kailangan masagot niya ito, pipilitin natin siyang makausap at tine-text ko rin si Mark, dedma pero try pa rin natin," panawagan ni Ogie sa aktor-dancer.

Nabanggit din ni Ogie na kailangan maayos ito dahil malaking problema ito ng booker dahil baka hindi na siya makaulit at hindi problema ni Kapitan (Barangay Nieves) si Mark kundi ng booker dahil kailangan napasipot niya ang aktor.

Sabi pa ni Ogie, "Mark dapat hindi ganu'n kasi ilan na rin 'yung nababalitaan nating unprofessional si Mark kapag natanguan mo at nakuha mo ang down (payment) dapat siputin mo."

Bukas ang BANDERA sa panig ni Mark Herras hinggil sa isyung ito.

The post Mark Herras 'di sinipot show sa NE kahit may downpayment na, booker kakasuhan  appeared first on Bandera.


Mark Herras ‘di sinipot show sa NE kahit may downpayment na, booker kakasuhan  Mark Herras ‘di sinipot show sa NE kahit may downpayment na, booker kakasuhan  Reviewed by pinoyako on March 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close