Joseph Bitangcol todo tanggol kay Sandara sa isyu ng droga: Imposible!

HINDI naniniwala ang aktor na si Joseph Bitangcol na gumagamit ng ilegal na droga ang K-Pop idol at Korean actress na si Sandara Park.
Ipinagtanggol ni Joseph ang kanyang ex-girlfriend at dating ka-loveteam sa ABS-CBN matapos pumutok ang isyu ng drugs patungkol kay Sandara.
Lantarang inakusahan ang South Korean singer-actress ng dati niyang kasamahan sa K-Pop group na 2NE1 na si Park Bom ng paggamit umano ng drugs.
"I am an ADD patient, something called Attention Deficit Disorder. Sandara Park was caught for drug abuse, and to cover that up, they turned the medication into something labeled as a drug scandal involving me," ang rebelasyon ni Park Bom.
Depensa naman ni Sandara, "I have never used drugs. I wish her well."
Sa panayam naman ng mga media kay Joseph, naniniwala siyang hinding-hindi magagawa ng kanyang dating karelasyon ang akusasyon ni Park Bom.
"For me, imposible yun. Imposible kasi matagal ko rin siyang nakasama, siyempre ang masasabi ko ay kilala ko ang pagkatao niya at tsaka yung sacrifice niya para sa family niya," pagtatanggol ng aktor kay Sandara.
"Tumanda siya nang naka-focus sa trabaho para sa family at para sa career. I'm sure hindi niya gagawin yun.
"Yosi at inom nga lang ang hirap ipa-take, drugs pa. I'm sure, 100 percent, na hindi niya gagawin yun," aniya pa.
Samantala, nagpasalamat naman si Joseph sa ABS-CBN at Star Cinema sa pagbibigay sa kanila ni Sandara ng chance na maging magka-love team noon.
May panghihinayang din daw siya na nabuwag agad ang tambalan nila, "Meron din siguro, sayang kasi may mga times na pasaway kami.
"Tsaka siyempre bata pa kami kahit yung relationship namin hindi nagtuloy-tuloy dahil hindi itinadhana.
"Sayang din kasi laki ng potential. Thank you sa ABS-CBN at Star Cinema binigyan kami agad ng movie, yung tiwala nila," saad pa ni Joseph.
The post Joseph Bitangcol todo tanggol kay Sandara sa isyu ng droga: Imposible! appeared first on Bandera.

No comments: