Kamara suportado state of energy emergency declaration ni PBBM – Dy

TINIYAK ni Speaker Faustino "Bojie" Dy III ang kahandaan ng Kamara na ipasa ang mga panukalang-batas na tutugon sa idineklarang state of national energy emergency ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Partikular na tinukoy ni Dy ang panukalang bigyan ng kapangyarihan ang Punong Ehekutibo na suspendihin ang fuel excise taxes.
"The House will move with the same urgency, through targeted interventions, close oversight, and real relief for our people," saad ni Dy.
Aniya suportado rin ng Mababang Kapulungan ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) para sa kabuhayan at pangangailangan ng mamamayan at iba pang pang-ekonomiyang hakbangin ng gobyerno.
Paliwanag ni Dy, sa pamamagitan ng UPLIFT, magpapatuloy ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan at pagbibigay ng mga serbisyo.
Napapanahon, sabi pa ni Dy, ang Executive Order No. 110 ni Marcos Jr. para mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong-petrolyo.
The post Kamara suportado state of energy emergency declaration ni PBBM – Dy appeared first on Bandera.

No comments: