Anti-corruption campaign nagpalakas ng trust rating ni PBBM

ANG kanyang kampanya laban sa katiwalian ang pangunahing dahilan ng mga nagsabing may tiwala sila sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Base sa Pulse Asia survey, na isinagawa noong nakaraang Pebrero 27 hanggang Marso 2 at may 1,200 respondents, 28.6% ang kinilala ang paglaban ni Marcos Jr. sa korapsyon.
Sumunod na mga dahilan ng mga nagtitiwala sa Punong Ehekutibo ang pagbuti ng kondisyon ng kanilang buhay, ang agad na pagtugon ng gobyerno tuwing may kalamidad, ang pagbibigay ng mga ayuda at pagharap sa mga isyu sa sektor ng agrikultura.
Samantala, ang kabiguan na kontrolin ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin ang unang dahilan ng mga walang sagot sa tanong na kung may tiwala o wala silang tiwala kay Marcos Jr.
May 44% naman ang nagsabi sa survey na hindi pinagkakatiwalaan si Marcos Jr.
The post Anti-corruption campaign nagpalakas ng trust rating ni PBBM appeared first on Bandera.

No comments: