BREAKING NEWS

Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na, anyare?

Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na, anyare?

HOW true kaya ang kumakalat na chikang diumano'y hiwalay na ang mag-asawang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde?

Ang mga bulung-bulungan ay mas lalong lumakas matapos mapansin ng mga netizens na tila wala ang "Eat Bulaga" host sa isang mahalagang event ng pamilya Atayde.

Sa isang TikTok video na ibinahagi ng komedyanteng si Bayani Agbayani ay ibinandera niya ang ilang mga ganap sa kaarawan ni Ria Atayde, kapatid ng asawa ni Maine.

Kapansin-pansin na kumpleto ang buong Atayde family ngunit absent sa ganap ang TV host-actress.

Baka Bet Mo: Maine Mendoza ipinagtanggol si Arjo: Wala siyang ginagawang masama 

"HIWALAY NA BA SILA ARJO AT MAINE? Sa TikTok post ni Bayani Agbayani kagabi. Complete ang mga Atayde para sa bday celeb nila Ria at Mr.Arturo minus Maine Mendoza. Siya lang ang wala," ayon sa post ng isang netizen na mabilis na kumalat online.

Deleted naman na ang TikTok post ni Bayani na tinutukoy ng netizen.

May mga netizens rin na hindi maiwasang ungkatin ang isang blind item patungkol sa naghiwalay na power couple at sinabing baka sina Maine at Arjo ang tinutukoy rito.

Pero to the rescue naman ang mga faney at sinabing hindi porje wala ang female personality sa party ay hiwalay na agad sila.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may lumabas na chikang hiwalay na sina Maine at Arjo.

Ngunit agad itong nawala matapos ang sweet birthday greeting ng actor-politician sa asawa.

Through all the ups and downs, I'm so grateful I get to do life with you. Happy Birthday, my love. I love you so much," sey ni Arjo kay Maine.

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ng mag-asawa hinggil sa isyung kumakalat tungkol sa kanila.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw nina Maine at Arjo hinggil sa isyu ng paghihiwalay.

The post Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na, anyare? appeared first on Bandera.


Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na, anyare? Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na, anyare? Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close