BREAKING NEWS

Janine Teñoso sa patuloy na paglaganap ng AI music: Anyare na?

Janine Teñoso sa patuloy na paglaganap ng AI music: Anyare na?

MAGING ang singer-songwriter na si Janine Teñoso ay tila nababahal sa umano'y AI-generated music na kumakalat ngayon.

Sa kantang X (dating Twitter) page, ibinahagi niyang puro na lamang AI music ang kanyang naririnig lately.

"[K]ahit saan ako sumakay puro ai music bruh hahahaha anyare na," saad ni Janine.

Tila marami naman sa mga netizens ang um-agree sa pahayag ng dalaga at tila relate rin sa nararamdaman nito.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez sa pambabastos ni Suntay kay Anne: Nakakagalit! Kadiri!

"Sa totoo lang Ate Janine. Parang yun pa ang msas sumisikat imbes na mga local OPM ang mamamayagpag, mas trending yung AI," sabi ng isang netizen.

Comment naman ng isa, "Sadly ate ganyan na talaga ngayon 🙁 kahit mga existing songs may AI, voice overs and dubbing.. AI na rin :("

"I feel you, Janine. Hindi lang ikas anc disappointed ss mga happenings," sabi naman ng isa.

Dagdag pa ng sa, " Ito ba yung hawak mo ang beat? Grabe kahit ako di ko inakala yun."

Speaking of "Hawak Mo AngvBeat", marami ang nagulat dahil ang trending song na gamit sa pagsayaw ay napag-alamang AI generatedz

Dahil sa curiosity ng isang netizen kung sino ang kumanta nito kaya kaya hinanap pa.

Ayon sa ulat ng DZRH, nabuo raw ang kanta gamit ang AI-generated voice ng isang lalaki, na sinadyang pagmukhaing totoo. 

Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng pagiging viral nito, hindi pa rin nakikilala ang composer o singer ng "Hawak Mo ang Beat."

The post Janine Teñoso sa patuloy na paglaganap ng AI music: Anyare na? appeared first on Bandera.


Janine Teñoso sa patuloy na paglaganap ng AI music: Anyare na? Janine Teñoso sa patuloy na paglaganap ng AI music: Anyare na? Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close