Pope Leo XIV dismayado sa kaguluhan sa Middle East; nanawagang mandalas

NAGPAHAYAG si Pop Leo XIV ng pagkadismaya sa patuloy na nagaganap na gyera sa Middle East na siyang labis na nakakaapekto sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng isang official ststement na kanyang ibinahagi nitong Lunes, March 23, sa Instagram, sinabi niya g dusmayado soya sa mga pangyayari.
"With dismay I continue to follow the situation in the Middle East and in other regions of the world torn apart by war. We cannot remain silent in the face of the suffering of so many defenseless people who are victims of these conflict," saad ni Pope Leo XIV.
Dagdag pa niya, ang mga pasakit at kamatayan na dulot ng gyera ay maituturing na isang eskandalo sa sangkatauhan.
Baka Bet Mo: Pope Leo XIV ibinandera ang Instagram account: 'Peace be with you all!'
"The death and pain caused by these wars is a scandal for the entire human family and a cry that rises to God!" pagpapatuloy ni Pope Leo.
Nanawagan rin ang Santo Papa sa mga katoliko na patuloy na ipagdasal ang paghinto ng karagasan sa pagitan ng mga bansang parte ng lumalalang gyera.
Nais rin ni Pope Leo XIV na sana'y manaig ang kapayapaan sa mundo lalo na sa mga bansang parte ng gyera.
"Let us persevere in prayer, so that hostilities may cease and paths to peace may open up, based on sincere dialogue and respect for every human person," sabi pa ng Santo Papa.
Matatandaang noong February 28 ang pagsisimula ng kanilang pag-atake sa bansang Iran sa layong protektahan ang mga Amerikano sa rehimen ng bansa.
"A short time ago, the United States Military began major combat operations in Iran. Our objective is to defend the American people by eliminating emanate threats from the Iranian regime," saad ni Trump.
Malaki ang naging epekto ng kanilang pag-atake sa buong mundo dahil maraming flights ang nakansela st buko pa roon sy naging dahilan ito ng pagtaas ng presyo ng krudo na maaaring maging simula ng pagtaas rin ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyong pangangailangan.
The post Pope Leo XIV dismayado sa kaguluhan sa Middle East; nanawagang mandalas appeared first on Bandera.

No comments: