BREAKING NEWS

Regine Velasquez emosyonal sa natanggap na ‘Woman of the Year award

Regine Velasquez emosyonal sa natanggap na 'Woman of the Year award
Regine Velasquez

NANG dahil sa pagkanta, natupad ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang wish ng kanyang yumaong amang si Mang Gerry. 

In fairness, sa 40 years ni Regine sa entertainment industry ay nananatili pa rin siyang relevant sa mundo ng showbiz at patuloy na ginagawa ang kanyang passion bilang singer at performer.

Super deserving ang showbiz icon sa bagong pagkilala na ibinigay sa kanya ng Billboard Philippines ngayong 2026, ang "Woman of the Year" award.

Sa kanyang acceptance speech, inalala ni Regine ang kanyang pumanaw na amang si Mang Gerry na nagsilbing mentor at adviser niya sa ilang taong pamamayagpag niya sa showbiz.

"This industry has changed my life in so many wonderful ways. I didn't know that my father's dream was to travel the world. 

"And natulungan ko yung tatay ko na matupad yung pangarap niya because I sang. And we travelled the world together, because I was singing," pahayag ng Songbird.

"Marami pong nagawa ang industriyang ito sa buhay ko that's why I'll forever gonna be grateful to the industry," sabi pa ni Regine na hindi na napigilang maging emosyonal.

Pagpapatuloy pa niya, "Yung story ko kasi, five years old ako, sumali ako ng singing contest. Ako lang po yung bata doon. 

"Tapos narinig ko yung palakpakan ng mga tao, nag-decide ako at a tender age of 5 years old, nag-decide ako na this is what I want to do. 'Cause I like the sound of palakpakan, and 40 years later here I am," saad pa ng wifey ni Ogie Alcasid.

Nagpapasalamat din si Regine kay Lord dahil sa loob ng apat na dekada niya sa showbiz ay nagkaroon din siya ng chance na makilala ang kanyang mga idol pati na ang kanyang "love of her life" na si Ogie Alcasid.

"Dahil doon, grabe po yung pagtanaw ko ng utang na loob sa industriyang ito," mensahe pa ni Regine.

Mensahe pa niya sa lahat ng mga kasamahan niya sa entertainment industry lalo na sa mga baguhan, "Sa industriyang ito, hindi pwedeng maliit ka lang mangarap. 

"Dapat malaki kang mangarap. Dapat ready ka na matupad yung pangarap mo. Dream big. Lakihan mo, dapat mas malaki sa yo yung pangarap mo. 

"Work hard. And be ready, 'cause one day it will be your time. You guys are the future of OPM, and me being here, being honored as 'Woman of the Year'.

"I am so proud of all of you. 'Cause you guys will continue what Lolita (Carbon) has started and the artists before me have started. 

"To my saviour Jesus Christ, I am forever yours," pagpapasalamat muli ni Regine.

The post Regine Velasquez emosyonal sa natanggap na 'Woman of the Year award appeared first on Bandera.


Regine Velasquez emosyonal sa natanggap na ‘Woman of the Year award Regine Velasquez emosyonal sa natanggap na ‘Woman of the Year award Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close