Alvin Aragon ibinuking kaibigang beki na nagka-HIV: Sana nakinig siya…

NAGKUWENTO ang aktor at social media personality na si Alvin Aragon tungkol sa isa niyang kakilalang bading.
Nalulungkot daw siya sa nangyari sa naturang miyembro ng LGBTQIA+ community pagkatapos daw nitong balewalain ang kanyang babala tungkol sa homosexuality.
Sa isang video clip, mapapanood si Alvin na ibinabahagi ang nalaman niya about his gay friend na tinamaan daw ng HIV-AIDS."Alam n'yo, may kuwento ako sa inyo. Meron akong tinuturuan na lalaki na bakla.
"Tinuturuan ko siya about Jesus Christ tsaka sa mga Salita Niya. Inamin niya na meron siyang relasyon sa kapwa niya lalaki at nakikipag-sex siya doon," simulang pagbabahagi ni Alvin.
"Ngayon, sabi ko, naku, kasalanan yan sa Panginoong Hesus. Nakalagay yan sa Bible. O, ito, ito. Nag-sorry siya," aniya pa.
"Tapos nu'ng sumunod kaming nagkita ulit, ginawa niya ulit. Sabi ko, naku, baka bigyan ka ng Lord ng malaking consequence kapag inulit mo pa yan.
"Mag-sorry ka, kasi kasalanan yan sa Panginoon. Pero ang ginawa niya, pagkatapos naming mag-usap, after ilang buwan…
"Nabanggit na lang ng friend namin, 'Uy, alam mo ba si ano meron ng ano? Si ano meron ng ano? Meron na raw AIDS. Meron ng HIV.
"So, yun, nalungkot na lang kami ng asawa ko dahil, siyempre, alam naman natin yung AIDS, di ba?
"So, sana nakinig siya. Kaya lang, huli na ang lahat," ang huling pahayag ni Alvin sa kanyang video.
The post Alvin Aragon ibinuking kaibigang beki na nagka-HIV: Sana nakinig siya… appeared first on Bandera.

No comments: