PAANDAR: Pampasaherong jeep may Wi-Fi, fan, CCTV, digital payment

VIRAL at trending ngayon ang isang bonggang passenger jeepney dahil sa kakaibang paandar ng driver nito.
Umani ng samu't saring komento ang TikTok video kung saan makikita ang "special features" ng pampasaherong PUV.
Unang-una, hindi na kailangan pang sumigaw ng "para" ang mga pasahero para makababa dahil sa isang pindot lang hihinto na agad ang driver.
Pangalawa, may free Wi-Fi din ang jeep kaya hindi mo na kailangang mag-data para makapag-internet at in fairness, tumatanggap din ang driver ng digital payment.
Bukod pa riyan, hindi ka maglalapot at maha-haggard sa init habang bumibiyahe dahil may electric fan din ang jeep ni Manong driver na magpapalamig sa mainit na panahon.
At ang pinaka-bongga sa lahat, may CCTV rin na nakakabit sa loob ng sasakyan kaya kung balak mong mag-123 siguradong knows ng driver.
Narito naman ang mga reaksyon ng mga nakapanood sa viral TikTok video.
"God knows hudas not pay caught in 4k."
"May cashless option pa yan sha."
"Nabored lang ata sa bahay si kuya."
"Sa mga nahihiya magsabi ng para, okay 'to ah."
"Oh ung dalawa sa Camera 4 hindi pa nagbabayad."
"One time nasakyan ko yan… bilib na bilib ako sa jeep na yan ang cool lang kase ramdam kong safe ako sa byahe HAHAHAHHAHA!"
"Jeepney pro max."
"For sure successful na ang kanyang daughters/son, ayaw na nila payagan mamasada ni tatay pero siya na lang may gusto ginawa na lang hobbies ganern atake HAHAHAHA!"
"Jeepney with alcohol for disinfecting, fan, free wifi, tv, humidifier, and cctv. parang hobby lang ni kuya mamasada ah HAHAHAHAHAHAHAHA!"
The post PAANDAR: Pampasaherong jeep may Wi-Fi, fan, CCTV, digital payment appeared first on Bandera.

No comments: