Anton Vinzon boxing champ sa ‘Kamao’, sino’ng bagong ka-loveteam?

AFTER maging "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0" housemate ay bibida na sa GMA Afternoon Prime si Sparkle star Anton Vinzon.
Tuluy-tuloy ang pagiging action star ni Anton mula sa "Mga Batang Riles" hanggang sa kanyang first lead role sa upcoming series na "Kamao."
Makakasama niya rito ang powerhouse cast na sina Amy Austria, Neil Ryan Sese, Wendell Ramos, Bruce Roeland, content creators Abdul at Marsy, Katrina Halili, at ang real-life dad ni Anton na si Roi Vinzon.
Gaganap si Anton bilang Makmak, isang binatang nangangarap na maging champion sa boxing.
Pero hindi lang laban sa ring ang haharapin niya kundi pati na rin ang hamon sa buhay, pamilya, at pag-ibig.
Tanong tuloy ng proud and excited fans ni Anton, sino kaya ang magiging love interest niya sa kuwento?
Abangan ang lahat ng 'yan sa "Kamao," soon on GMA Afternoon Prime.
* * *
Makiki-riot sa "TBATS on the Go" sina Kelvin Miranda at Robb Guinto this Sunday, March 29.
Kasama ang hosts at well-loved comedy duo na sina Boobay at Tekla, muli silang mag-iikot sa mga kalye para sa nakakatawang kwentuhan kasama ang masang Pinoy.
Asahan ang mga kwela at "out-of-this-world" na sagot ng mga ate at kuya sa segment na "Trivia on the Go."
Magpapaunahan naman ang pitong contestants na hulaan ang nawawalang salita sa mga kasabihan at iba pang famous quotes sa "Sabeh?!?"
Sumakses naman kaya ang dalawang talented students na pahalakhakin ang sexy actress na si Robb sa "Battle of Bida-Bidas?"
Samantala, mate-test ang charm ni Kelvin sa challenge na magbenta ng sampung manga sa loob lang ng tatlong minuto.
Puno na naman ng tawanan na may halong ka-sexyhan ang Sunday night ng mga Kapuso! Abangan ang "TBATS on the Go" tuwing Linggo, 10:05 p.m. sa GMA Network.
The post Anton Vinzon boxing champ sa 'Kamao', sino'ng bagong ka-loveteam? appeared first on Bandera.

No comments: