BREAKING NEWS

Charlie Puth certified daddy na, proud na ibinandera si Baby Jude

Charlie Puth certified daddy na, proud na ibinandera si Baby Jude

MASAYANG masaya ang singer na si Charlie Puth dahil opisyal na siyang pumapasok sa panibagong yugto ng buhay bilang isang ama.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng mang-aawit na ipinanganak na ng kanyang asawa na si Brooke Sansone ang kanilang panganay na anak.

"Hey Jude… 3.13.26," saad ni Charlie sa kanyang post.

Ilan sa mga larawan na ibinahagi ng "One Call Away" singer ay ang larawan niyang nakatalikod habang buhat ang anak, mga polariod photos nilang pamilya at larawan ni Jude na hindi kita ang buo nitong mukha.

Baka Bet Mo: Charlie Puth magiging daddy na, ibinandera sa bagong MV ng 'Changes'

Marami naman sa mga netizens, friends, at mga faneys ang nagpa-abot ng congratulatory messages para kay Charlie sa bagong journey nito bilang ama.

Ilan sa mga ito sy sina Alex Sampson, Tracy Pollan, Kenny Whitmire, at ang page ng The Beatles.

Matatandaang inanunsyo ni Charlie ang pagbubuntis ni Brooke sa pamamagitan ng music video ng kanyang single na "Changes" noong Oktubre.

Mula noon, patuloy niyang ibinahagi ang ilang sulyap sa kanilang pregnancy journey sa pamamagitan ng mga larawan at reels.

Kinumpirma ni Charlie ang kanyang relasyon kay Brooke sa Instagram noong Disyembre 2022.

Unang nasilayan ang magkasintahan sa red carpet sa Clive Davis' Pre-Grammy Gala noong February 2023, kung saan inilarawan niya ito bilang "someone that I grew up with."

Ilang buwan matapos nito, ikinatuwa ng mga tagahanga ang anunsyo ng engsgement nina Charlie at Brooke noong September 2023. 

Makalipas ang isang taon, ikinasal ang dalawa sa isang simple ngunit masayang backyard-themed wedding.

The post Charlie Puth certified daddy na, proud na ibinandera si Baby Jude appeared first on Bandera.


Charlie Puth certified daddy na, proud na ibinandera si Baby Jude Charlie Puth certified daddy na, proud na ibinandera si Baby Jude Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close