BREAKING NEWS

Michael Sager may inamin tungkol sa tunay na relasyon nila ni Zephanie

Michael Sager may inamin tungkol sa tunay na relasyon nila ni Zephanie
Zephanie at Michael Sager

INAMIN ng Kapuso stars na sina Michael Sager at Zephanie na totoong naging super close sila noong nagkasama sa una nilang project together.

Pero sumusumpa ang magka-loveteam na never silang naging magdyowa at nagkaroon ng serious relationship.

Muling magtatambal sina Michael at Zephanie sa latest afternoon series ng GMA 7, ang musical-drama na "Born To Shine."

Kaya naman sa panayam ng ilang members ng media sa dalawa matapos ang grand presscon ng "Born To Shine" ay natanong kung naging sila ba, ever? 

Sagot ni Michael, "Well, I mean we're kids right? Siguro po at that time, when I moved in talaga, Zep was one of my close friends.

"And masasabi kong hanggang doon lang talaga 'yung napuntahan niya. Really good friends and wala eh, work talaga muna that time.

"Pinapagalitan ako ng parents ko kung umaano….so for me it was good relationship that we had. We grew apart somehow because na-busy ang schedules di ba?" pahayag ni Michael.

Dagdag ng Kapuso star, "But, I mean what we can work for now is back together and the reunion of the friendship and as co-workers. So,ang ganda rin na we're together for this project."

Sundot na question kay Michael, kung hindi ba talaga siya nanligaw kay Zephanie.

"Nanligaw? Hindi naman po parang ano lang talaga, naging close. Aminado naman talaga naging close, masaya namang maging kaibigan si Zep," aniya.

Sey naman ng lead star ng "Born To Shine", "I agree with everything that Mchael just said po. Siyempre it so normal na, when you are walking with someone and journey with someone talagang you admire him and honestly, I always admire Michael for his passion. 

"'Yung mga pangarap din niya, katulad ng sinabi niya kanina hinahabol ko rin 'yung pangarap ko. And I can see that in him too. 

"And I'm just so happy na noong nag-start kaming dalawa nandoon kami to encourage each other. And the time came now, to go on our own paths, parang nakaka-proud po na makita na nag-grow kayo, nag-start kayo together.

"I'm so grateful na na-entrust itong project na ito sa aming dalawa kasi 'yun nga reunion," ani Zephanie.

Sa direksyon ni Rod Marmol, hatid ng GMA Entertainment Group ang isang palabas tungkol sa passion, destiny, musika, at pag-ibig, na magpapaalala sa mga manonood na lahat ay ipinanganak para magningning.

Abangan ang "Born To Shine" mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Maaari rin itong mapanood ng Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.

The post Michael Sager may inamin tungkol sa tunay na relasyon nila ni Zephanie appeared first on Bandera.


Michael Sager may inamin tungkol sa tunay na relasyon nila ni Zephanie Michael Sager may inamin tungkol sa tunay na relasyon nila ni Zephanie Reviewed by pinoyako on March 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close