BREAKING NEWS

Jose Manalo sa higit 3 dekada sa Eat Bulaga: Parang naglalaro lang kami

Jose Manalo sa higit 3 dekada sa Eat Bulaga: Parang naglalaro lang kami
Jose Manalo, TVJ, Wally Bayola at Paolo Ballesteros

PARA sa veteran comedian na si Jose Manalo, hindi niya itinuturing na isang trabaho ang ginagawa niya bilang host ng "Eat Bulaga."

Mahigit tatlong dekada nang Dabarkads si Jose at napakarami na raw nilang pinagdaanan at naranasang pagsubok sa programa na kanilang napagtagumpayan.

Mula noon hanggang ngayon ay nananatili pa ring number one para sa mga Filipino na pinalaki ng iconic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ.

For the record, 46 years nang naghahatid ng saya mula Batanes hanggang Jolo ang "Eat Bulaga" sa milyun-milyong Dabarkads all over the world. 

Ito na ang itinuturing na longest-running noontime variety show sa Asia (o baka sa buong mundo na rin) na nagsimulang umere sa telebisyon noong 1979.

Nakachikahan ni Toni Gonzaga si Jose sa latest episode ng kanyang online talkshow na "Toni Talks", at dito nga binalikan ng komedyante kung paano siya nagsimula sa iconic noontime show.

"Nag-start ako sa 'Bulaga' 1994 as a PA (production assistant), audition master. Ako ang nag-i-screen, ako magpapasya kung babalik o kailan babalik. Tapos, 'yun na, nag-floor director ako," pagbabalik-tanaw ni Jose.

Patuloy pa ng komedyante, "Nu'ng nag-floor director ako, lumalabas-labas na rin ako. Ako 'yung legal na on-cam floor director."

Hanggang sa dumating nga sa puntong nakikipagbatuhan na rin siya ng joke sa TVJ at iba pang hosts ng "Eat Bulaga".

Singit na hirit ni Toni, "Kaya napansin si Kuya Jose, naalala ko nu'n, ang galing mong sumagot. Nakakasagot ka sa kanila."

"Hindi," sey naman ni Jose, "Masaya lang kasi. Nu'ng napasok ako sa 'Eat Bulaga,' hindi ko siya inisip na trabaho. Inisip ko parang naglalaro lang kami."

The post Jose Manalo sa higit 3 dekada sa Eat Bulaga: Parang naglalaro lang kami appeared first on Bandera.


Jose Manalo sa higit 3 dekada sa Eat Bulaga: Parang naglalaro lang kami Jose Manalo sa higit 3 dekada sa Eat Bulaga: Parang naglalaro lang kami Reviewed by pinoyako on March 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close