LIST: Kolehiyo, unibersidad online classes dahil sa transport strike sa March 19

IMBES na pumasok sa campus, magshi-shift sa online classes ang ilang kolehiyo at unibersidad ngayong Huwebes, March 19.
Ito ay bunsod ng malawakang transport strike sa bansa, bilang protesta laban sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Bukod dito, panawagan din ng mga transport group ang dagdag-subsidiya at mas malaking taas-pasahe para sa public utility vehicles.
Dahil dito, nag-online muna ang ilang paaralan para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante at guro.
Baka Bet Mo: Ruby Ruiz 6 araw stranded sa Dubai dahil sa giyera: Ang lapit mo sa kamatayan
Narito ang listahan ng mga paaralang nag-anunsyo ng online classes:
- University of the East (Manila at Caloocan campuses)
- Adamson University
- Apec Schools
- Ateneo de Manila University (para sa Schools of Education and Learning Design, Humanities, Management, Science and Engineering, at Social Sciences; ang iba ay depende sa desisyon ng kani-kanilang dean)
- Centro Escolar University
- Colegio de San Juan de Letran
- De La Salle University (Manila, Dasmariñas, at Laguna campuses)
- Far Eastern University (Diliman at Alabang campuses)
- FEU Institute of Technology
- iAcademy Makati
- Manila Tytana College (March 19, 23 hanggang 31)
- Mapua Malayan Colleges Laguna
- Medici di Makati College
- Miriam College
- National Teachers College
- Notre Dame of Greater Manila
- Polytechnic University of the Philippines
- Rizal Technological University
- Technological University of the Philippines – Manila
- Trinity University of Asia
- University of Asia and the Pacific
- University of Santo Tomas
Samantala, pinapayuhan ang publiko na magplano ng maaga sa kanilang biyahe at bantayan ang mga susunod pang anunsyo, lalo na kung magpapatuloy ang transport strike sa mga susunod na araw.
The post LIST: Kolehiyo, unibersidad online classes dahil sa transport strike sa March 19 appeared first on Bandera.

No comments: