BREAKING NEWS

Alvin Aragon: Ang same sex marriage ay hindi galing sa Diyos 

Alvin Aragon: Ang same sex marriage ay hindi galing sa Diyos 
Alvin Aragon

NAG-EXPLAIN ang kontrobersyal na social media personality na si Alvin Aragon kung bakit hindi raw maka-Diyos ang same sex marriage.

Sa kanyang bagong Facebook post, ginamit ni Alvin sa kanyang pagpapaliwanag ang sperm ng lalaki at egg cell ng babae.

Ang punto niya, hindi raw galing sa Panginoong Diyos ang pagpapakasal ng babae sa kapwa babae at lalaki sa kapwa lalaki.

"Kaya ang Same S*X Marriage ay Hindi galing sa Diyos. Ang Sp*rm ng lalaki at isa pang Sp*rm ng isa pang lalaki ay hindi maaaring ipagsanib upang magkaroon ng isa pang buhay.

"Ang Sp*rm ng lalake ay para ipagsanib sa €gg C€ll ng babae pagkatapos nilang ikasal.

"Hindi rin pwedeng magsanib ang €gg C€ll ng babae at €gg C€ll ng isa pang babae kasi hindi ganon ang designed ng Diyos sa atin.

"Kaya ang Same S*X Marriage ay Hindi galing sa Diyos. Hindi kokontrahin ng Diyos ang Creation nya," ang simulang pagpapaliwanag ng asawa ng dating miyembro ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona.

Pagpapatuloy pa ni Alvin, "If a man practices homosexuality, having sex with another man as with a woman, both men have committed a detestable act. 

"They must both be put to death, for they are guilty of a capital offense," sabi pa niya gamit ang hashtag na #GlorytoGodforever.

Maraming netizens naman ang nag-react sa paniniwala ni Alvin hinggil sa same sex marriage.

"When we preach or share the gospel it is not necessary to say how they sin. Just preach the gospel. Be teachable lang lagi ha."

"Hindi madaling sabihin ito sa panahon ngayon. Talagang maraming magagalit sayo. Pero ito ay totoo."

"Wow! Di ko alam yun ah. Ang galing!"

"Pero sa isip nila wala silang ginagawang mali tao lang sila nag mahal ng kapwa babae or lalake, ayaw nila tanggapin na mali ginagawa nila, wag mo sila pag sasabihan at magagalit lang talaga sila."

"May kanya kanya tayo opinion at pakiramdam.. wag mo insist ang tama para sayo.. may kanya kanya tayong buhay wag ka masyadong panghimasukan ang buhay ng iba."

"Truee. ang sabi nga mas maraming nagagalit sa mga taong nagsasabi ng katotohanan. subalit ang katotohan ay katotohanan. Marami man ang magalit, masaktan pero yan ang katotohanan na dapat tanggapin."

The post Alvin Aragon: Ang same sex marriage ay hindi galing sa Diyos  appeared first on Bandera.


Alvin Aragon: Ang same sex marriage ay hindi galing sa Diyos  Alvin Aragon: Ang same sex marriage ay hindi galing sa Diyos  Reviewed by pinoyako on March 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close