Caprice Cayetano nakabili na ng sariling car matapos magwagi sa PBB

BONGGA! Finally ay na-achieve na ni "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0" Kapuso Big Winner Caprice Cayetano ang isa sa matagal na niyang pinapangarap.
In fairness, nabili na ng young actress ang kanyang dream car after niyang magwagi sa season 2 ng "PBB Celebrity Collab Edition" ng ABS-CBN at GMA 7.
"Masayang-masaya po ako na nakabili na ako ng car na magagamit ko na po sa taping and 'yung family ko din po maisasakay ko po sa car na 'yun," ang pahayag ni Caprice sa panayam ng "24 Oras".
"Masaya po ako dahil naging reward ko rin po 'yun para sa sarili ko," sey pa ng Kapuso star.
Samantala, looking forward si Caprice sa paggunita ng Holy Week dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang buong pamilya.
Babawi raw siya sa mga mahal niya sa buhay sa panahong ginugol niya sa loob ng Bahay ni Kuya bilang celebrity housemate.
"Kasama ko po 'yung family ko out of town po or out of the country sana. This Holy Week po, gusto sana ng family ko na mag-Bangkok," ani Caprice.
Sa tanong kung anu-ano ang mga nagbago sa kanyang life after "PBB," "Ang nagbago po after ng 'PBB' ay mas lumaki po 'yung pamilya ko dahil 'yung fans ko, itinuturing ko pong pamilya, kaya masasabi ko po na lumaki ang family ko.
"At nakakatuwa po kasi kapag umaalis kaming mga housemate, nakikita po namin sila. Mga guesting, ang aga-aga, kaya maraming salamat po sa inyong mga effort," chika pa ng aktres.
The post Caprice Cayetano nakabili na ng sariling car matapos magwagi sa PBB appeared first on Bandera.

No comments: