BREAKING NEWS

Lella Ford sa relasyon nina Kaila at Daniel: She makes my brother happy! 

Lella Ford sa relasyon nina Kaila at Daniel: She makes my brother happy! 
Lella Ford, Daniel Padilla at Kaila Estrada

PURING-PURI ni "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0" Kapamilya Big Winner Lella Ford si Kaila Estrada.

Hindi pa lantarang umaamin ang kapatid ni Lella na si Daniel Padilla at rumored girlfriend nitong si Kaila ngunit tila kinumpirma na rin ito ng former "PBB" housemate.

Sa naganap na Star Magic Spotlight Presscon kahapon, March 18, nakachikahan ng ilang members ng media si Lella at kinumusta nga sa kanya si Kaila.

In fairness, talagang sumuporta ang Kapamilya star sa journey ni Lella sa loob ng Bahay ni Kuya at sa katunayan, bago ang PBB Big Night ay nag-post pa sa Instagram si Kaila para ikampanya si Lella na iboto ng kanyang fans.

Tanong kay Lella, "Yung girlfriend ng kuya mo, si Kaila, sumuporta rin siya (sa iyong PBB journey)."

Sagot ng sister ni Daniel, "Yes, opo. Nagkita nga po kami after Big Night po. Pumunta siya sa house. Ayon, catch up lang with family."

Sundot na tanong sa dalaga, "Close na kayo?" Na sinagot naman niya ng, "Opo naman, of couse."

Naikuwento rin ni Lella na bago pa siya pumasok sa Bahay ni Kuya ay madalas na silang nagkikita ni Kaila.

"Okay naman po. Masaya po (nang ipakilala sa kanila ni DJ si Kaila). Ako po, masaya lang po talaga ako for them. I'm so happy that she makes my brother happy," chika pa ng dalaga.

Paano niya idi-describe si Kaila biglang bagong girlfriend ng kanyang kuya, "Si Ate Kai, sobrang… grabe, she's a role model.

"She's someone I really look up to. Hindi lang po sa acting, but her as a person. Grabe po, she's very smart, very eloquent. She's so nice, she's so good," sagot ni Lella.

Nausisa rin ang PBB Big Winner  kung ready na ang kanilang family sakaling magdesisyon nang pakasalan ni Daniel si Kaila.

Tugon ni Lella, "Yes, of course. Go, kung saan siya masaya."

Bukod kay Lella, present din sa naganap na Star Magic Spotlight Presscon ang tatlo pa sa Kapamilya Big 4 housemates na sina Krystal Mejes, Joaquin Arce, at Miguel Vergara.

The post Lella Ford sa relasyon nina Kaila at Daniel: She makes my brother happy!  appeared first on Bandera.


Lella Ford sa relasyon nina Kaila at Daniel: She makes my brother happy!  Lella Ford sa relasyon nina Kaila at Daniel: She makes my brother happy!  Reviewed by pinoyako on March 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close