Andre Yllana aprub sa pagpapakasal nina Aiko at Onemig: This must be love!

PAYAG na payag ang young actor na si Andre Yllana kung sakaling magpakasal uli ang kanyang inang si Aiko Melendez at ang partner nitong si Onemig Bondoc.
Botong-boto ang Viva Artists Agency (VAA) talent kay Onemig para sa kanyang ina at natutuwa siya dahil nararamdaman niya ang sobrang kaligayahan ng aktres at politiko.
Nakachikahan ng BANDERA si Andre pagkatapos niyang pumirma uli ng kontrata sa VAA kung saan kinumusta nga namin ang relasyon nina Aiko at Onemig.
"Parang dalaga si mommy ngayon. She is really happy. Pa-out-of-town lang nang pa-out-of-town," ang napapangiting chika ng binata.
"Nakikita ko sila, mapapa-'sana all' ka na lang. Happy talaga sila and masaya rin ako for them dahil nararamdaman ko namang mahal talaga nila ang isa't isa," pahayag pa ni Andre.
Inggit much nga raw siya kapag nakikitang super sweet sina Aiko at Onemig, "Aminin ko, minsan cringe ako, pag nagti-TikTok sila, but this must be love!"
Sundot na tanong namin kay Andre kung kumusta naman si Onemig bilang boyfriend ng kanyang ina, "Okay si Tito. Nakaka-relate siya sa akin, when it comes to dad issues.
"Maganda advice, he gives advice. I can see he is really trying to be close to us," aniya pa.
Payag ba siya kung sakaling magdesisyon na ang magdyowa na magpakasal na?
"Go! Maging masaya ka, mommy. Unspoken na ever since dati, kapag gusto niya ulit, basta mahal mo at masaya, go!
"Dati sinasabi niya sapat na kami sa kanya. Pag hindi naman siya pagpalain, nandito lang kami palagi, Ma," saad pa ng aktor.
Samantala, itinuturing na ni Andre na second home ang VAA kaya naman abot-langit ang kanyang pasasalamat sa mga bossing ng Viva Entertainment dahil muli siyang pinapirma ng kontrata para sa pagpapatuloy ng kanyang career.
Following his success in the first two seasons of "Ang Mutya ng Section E" (2025-2026) and the thriller-mystery drama series "Hell University" (2026), mas dunami pa ang supporters ni Andre sa Viva One streaming platform.
His portrayals of Aries and Matthew in the two respective aforementioned shows skyrocketed him to become one of the leading young actors of his generation.
Beyond these roles, Andre has also explored different genres throughout his career. He ventured into horror in the film Pasahero (2024) and into action with the TV5 drama series Lumuhod Ka Sa Lupa (2024-2025), showcasing his versatility as an actor.
He also appeared in supporting roles in several films and series, including The Seniors (2022), Expensive Candy (2023), The Rain in España (2023), and Safe Skies, Archer (2023-2024).
Andre started his journey with Viva in 2021. Now, as he continues several more years with VAA, he is ready to bring more to the table when it comes to acting, ready to establish himself as one of Viva's sought-after young actors.
The post Andre Yllana aprub sa pagpapakasal nina Aiko at Onemig: This must be love! appeared first on Bandera.

No comments: