BREAKING NEWS

Lassy Marquez binalaan ng netizen sa dyowa: Mag-ingat ka! Pro yan!

Lassy Marquez binalaan ng netizen sa dyowa: Mag-ingat ka! Pro yan!

PINAG-IINGAT ng isang netizen ang vlogger-comedian na si Lassy Marquez sa kanyang dyowa na nagngangalang si "Ken".

Viral na ngayon sa social media ang screenshot ng komento mula sa isang netizen na matatagpuan sa comment section ng vlog ng Beks Batalion kung saan na-i-guest ang dalawa.

Ayon sa naturang comment, kilala nila ang ibinanderang dyowa ni Lassy at sinabihan ang komedyante na huwag basta basta magtiwala.

Nanawagan rin ang netizen sa dalawang malapit na kaibigan ng komedyante na sina MC Muah at Chad Kinis na gabayan ang close friend.

Baka Bet Mo: Lassy Marquez proud na ibinandera manliligaw, ramdam na ramdam ang love

"Nagwa-warning lang. Kilala namin 'yang lalaking 'yan—pro 'yan. Naaawa kami ng tropa ko kay Lassy. Huwag siyang magpaubos diyan. Mabuti na rin at nariyan sina MC at Chad.

"Alamin ninyo ang background ng lalaking 'yan. Pakahukayin ninyo. May dahilan kung bakit ganyan ang mga kilos niya. Lalabas at lalabas din ang totoo," saad ng netizen.

Pagpapatuloy nito, wala raw siyang YouTube at nabanggit lang sa kanya ng kaibigan na napanood niya ito sa vlog ni Chad ar mukhang si Lassy na raw ang next "prospect" ng lalaki.

"Sinabi lang ng tropa ko na nasa video ni Chad 'yung lalaki at si Lassy na nga raw ang next prospect niya. Nag-aalala kami para kay Lassy. Oo, puwedeng alam din ni Lassy, pero huwag siyang magpaubos o magpagamit. Maraming tao ang totoong nagmamahal kay Lassy," sabi pa ng netizen.

Samantala, wala pa namang pahayag ang komedyante hinggil sa komentong ito ng concernes netizen.

The post Lassy Marquez binalaan ng netizen sa dyowa: Mag-ingat ka! Pro yan! appeared first on Bandera.


Lassy Marquez binalaan ng netizen sa dyowa: Mag-ingat ka! Pro yan! Lassy Marquez binalaan ng netizen sa dyowa: Mag-ingat ka! Pro yan! Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close