Krystal Mejes ‘di pumasa noon sa ‘Goin Bulilit’: Redirection not rejection

MULING binalikan ni "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0" Kapamilya 2nd Big Placer Krystal Mejes ang dating experience kung saan hindi siya nagtagumpay na mapasama nang mag-audition ng "Goin' Bulilit" noon.
Sa kanyang panayam sa "Kuan On One" show ni Melai Cantiveros-Francisco nitong Martes, March 17, nausisa ang dalaga patungkol sa pinakamahirap na audition na kanyang sinalihan.
"Goin' Bulilit. 'Yon pinakaunang audition, Goin' Bulilit," sagot ni Krystal.
Kuwento niya, marami raw pinagawang talent sa kanya si Direk Bobot Mortiz during the audition.
Baka Bet Mo: Krystal Mejes waging best actress sa Paris Film Awards, wish makatrabaho si Vilma Santos
"Tapos si Direk Bobot, pinakanta niya ako, pinasayaw ako, pinaarte ako, at pinag-model ako," pagpapatuloy ni Krystal.
Ngunit noong mga panahon na 'yun ay talagang hirap na hirap siyang sundan ang sinasabi ng mga tao sa audition dahil hindi siya gaanong maalam magsalita at umintindi ng Tagalog at Ingles.
"Dahil taga-Samar ako, hindi ako marunong mag-Tagalog at English. Ang alam ko lang ay Waray… tanong sila nang tanong ng ganito, ng ganiyan," chika ni Krystal.
Dagdag pa niya, "Ako, parang… hindi ko maintindihan. Waray ako! Hindi ko talaga maintindihan."
Bukod pa rito, aminado si Krystal na sobrang mahiyain pa niya noong bata siya.
"Tapos noong bata ako, mahiyain ako. Mahiyain ako ng sobra. Like super shy. Nagpa-practice pa kami noon ni Mama ko ng mga linya, ng mga kanta, at mga sayaw para magkaroon ako ng confidence pagdating ko sa audition dahil mahiyain talaga ako noong bata ako," sey ng dalaga.
Muling tanong ni Melai kay Krystal, "Ano ang ginawa ni Direk Bobot? Tinanggap ka ba niya?"
Sa kasamaang palad ay hindi siya nakapasok sa "Goin' Bulilit" ngunit natanggap naman siya sa kanyang audition na "Doble Kara".
"Hindi. Hindi ako natanggap sa Goin' Bulilit. Hindi ako nakapasok. Hindi ako natanggap [sa Goin' Bulilit], noong nag-audition naman ako sa Doble Kara, doon naman ako natanggap," pagbabaliktanaw ni Krystal.
Giit pa niya, "It's called redirection not rejection."
Para sa mga hindi aware, ang "Goin' Bulilit" sy isang Isang sketch comedy show ng ABS-CBN na pinangungunahan ng mga batang artista kung saan madalas silang naglalahad ng mga nakakatawang sitwasyon, parody sa mga pelikula.
Nagsimula ito noong 2004 sa direksyon ni Edgar "Bobot" Mortiz.
The post Krystal Mejes 'di pumasa noon sa 'Goin Bulilit': Redirection not rejection appeared first on Bandera.

No comments: