Bea Borres spotted kasama ex-dyowa, may balikan na nga ba?

USAP-USAPAN ng ilang netizens kung tuluyan na nga bang nagbago ang ihip ng hangin at nakalimutan na lahat ng content creator na si Bea Borres ang kanyang sinabi tungkol sa ama ng kanyang anak na si Baby Pea.
Kalat na kasi sa social media ang screenshot ng Instagram story ni Meray Yamada, ang kanyang ex-boyfriend kung saan makikitang buhat-buhat niya si Baby Pea.
Makikita rin sa naturang story na magkatabi sila ni Bea sa hapag-kainan.
Baka Bet Mo: Bea Borres nabastusan sa transwoman na 'nireregla' raw at 'nabuntis'
"Mama's 74th and Baby Hope's 3rd month," saad ng ex-dyowa ni Bea.
Agad naman itong kumalat sa social media at marami sa mga netizens ang nagsasabing mukhang may chance magbalikan ang dalawa sa kabila ng mga sinabi ng social media personality na hindi niya hahayaan ang dating kasintahan na magkaroon ng access sa kanyang anak dahil sa ginawa nito sa kanya habang buntis.
Matatandaang in-expose noon ni Bea sa kanyang Instagram stories ang patuloy na paglalandi ng kanyang ex sa iba't-ibang babae sa kabila ng hindi nito pananagot sa kanyang pagbubuntis.
"imma bout to go on full ellen adarna mode on this one. plus points to [derek] ramsay atleast he was able to be there for her pregnancy," sabi ng social media personality.
May pahaging pa siya na kahit bilhan ni Meray ang anak ng luxury items ang anak ay hindi niya hahayaan na magkaroon ito ng access sa bata.
Ngunit taliwas ito sa nangyayari dahil lately lang nang ibandera ni Bea ang natanggap na Hermes bag ni Baby Pea mula sa ina ng kanyang ex-boyfriend.
Aniya, wala raw balikan na naganap at tumatanggap lang siya ng sustento mula sa dating karelasyon.
Ngayon ay tila unti-unti nang nagkakaayos at maaaring maging co-parenting ang dalawa sa pagpapalaki sa anak.
Samantala, wala pa namang paglilinaw si Bea hinggil rito.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng social media personality hinggil sa isyu.
The post Bea Borres spotted kasama ex-dyowa, may balikan na nga ba? appeared first on Bandera.

No comments: