BREAKING NEWS

Daniel Padilla present sa birthday ni Kaila Estrada

Daniel Padilla present sa birthday ni Kaila Estrada

SPOTTED ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa ginanap na 30th birthday celebration ng kanyang rumored girlfriend na si Kaila Estrada.

Mabilis ngang nakahanap ng ebidensya ang mga matanglawing netizens at nakakita ng mga larawan at video clips online na mula sa mga naging bisita sa birthday party ng Kapamilya actress.

Sa katunayan, nagtagumpay ang mga netizens dahil in-upload ni Alex Vince Lopez ang kauna-unahang official photo together online nina Kaila at Daniel na magkadikit ang mga mukha at halatang masayang nagpa-party.

Si Alex ay isa sa mga kilalang bestfriend ng aktres na inakala pa ng iba noon na ka-something ng aktres.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Kaila Estrada magkasunod na lumipad pa-Boracay?

"Kai turns 30 ," saad ni Alex sa caption kung saan makikita sa ika-12th slide ang picture together nina Kaila st Daniel.

Matatandaang matagal nang umuugong ang chika na may namamagitan sa pagitan ng dalawa na naunang nagkasama sa kanilang series na "Incognito".

Nang tanungin si Daniel ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sa isang panayam, hindi niya itinanggi o pinabulaanan ang mga bulung-bulungan tungkol sa kanila ni Kaila.

"Huwag n'yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay.

"And again, ayaw ko siyang maging showbiz, e. Well 'di pa rin naman maiiwasan 'di ba pero may choice pa rin naman ako, 'di ba?" sagot noon ni Daniel.

Sa kabila nito ay madalas nang makita ang dalawa na magkasama. Maging ang kapatid ng Kapamilya actor na si Magui Ford ay ilang beses ring nakita in public na kasama si Kaila gaya na lang nang lumipad ito pa-Boracay.

Ito na nga siguro ang kumpirmasyon na talagang kailangan nang mag-move on ng mga KathNiel fans na magkakabalikan pa ang dating magkarelasyon na sina Kathryn at Daniel dahil kitang-kita na super happy na ang huli sa piling ng bagong pag-ibig.

The post Daniel Padilla present sa birthday ni Kaila Estrada appeared first on Bandera.


Daniel Padilla present sa birthday ni Kaila Estrada Daniel Padilla present sa birthday ni Kaila Estrada Reviewed by pinoyako on March 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close