Robin Padilla rumesbak sa bashers, ipinagtanggol paayuda ni Bong Go

TO the rescue si Sen. Robin Padilla at ipinagtanggol sa mga bashers si Sen. Bong Go kaugbay sa mga ipinamahaging ayuda ng huli sa mga biktima ng sunog sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City.
Ito ay kaugnay sa isang video clip na kumakalat sa social media kung saan makikita ang disappointment ng ilang biktima ng sunog sa natanggap na nakabaldeng food packs na may kartong pampakapal mula kay Go na kanila pang pinilahan.
Sa Facebook post ni Robin nitong Martes, March 17, sinabi niyang mula sa sariling bulsa ni Go ang ginawang pagtulong sa mga biktima ng sunog.
"Ang kinukutya po ninyo na pantawid ay galing po sa sarili niyang kakayahan hindi po galing sa gobyerno o programa ng gobyerno," saad ng senador.
Baka Bet Mo: Robin Padilla itinuring na 'bayani' si Rodrigo Duterte
Pagpapatuloy ni Robin, "Paumanhin kung kayo po ay nag-antay ng matagal. Ang kaayusan po kasi sa oras ng pamamahagi ay kailangan para sa inyo rin po na kapakanan."
Hindi rin maiwasang makaramdam ng lungkot ng actor-politician sa napanood na video.
"Nakalulungkot ang video na ito at nakapagbibigay ng palaisipan para sa mga nais tumulong," sey ni Robin.
Bago pa ito, nauna nang humingi ng paumanhin ang pamahalaang baranggay nv Pinyahan kay Go dahil sa pangyayari.
The post Robin Padilla rumesbak sa bashers, ipinagtanggol paayuda ni Bong Go appeared first on Bandera.

No comments: