BREAKING NEWS

Kathryn Bernardo, James pakilig sa ‘Someone, Someday’; 1st time kasama si Maja

Kathryn Bernardo, James pakilig sa 'Someone, Someday'; 1st time kasama si Maja
PHOTO: Courtesy of Netflix

ISA sa mga pinakainaabangang sorpresa sa kauna-unahang Next on Netflix Philippines event na dinaluhan ng BANDERA ang pag-anunsyo ng bagong Pinoy series na "Someone, Someday."

Ang proyekto ay pagbibidahan nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador na mapapanood sa Netflix very soon!

Pero ang higit na kinasasabikan ng fans ay ang unang pagtatambal nina Kathryn at James, na parehong magbabalik sa mundo ng teleserye.

Para kay Kathryn, espesyal ang "Someone, Someday" dahil marami itong "firsts" sa kanyang career.

Baka Bet Mo: James Reid puring-puri si Kathryn: She's incredibly humble and very genuine

"This is like a comeback project. And also this is a first for me, first time working with Ate Maja. And first time working with our directors, and of course, James. So a lot of firsts for me," sey ni Kathryn.

Matatandaang ang huli niyang serye ay noong 2022 pa sa "Too Good To Be True," kaya aminado siyang nangangapa pa rin siya habang unti-unting binubuo ang kanyang karakter.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F964437545912929%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Ayon pa sa aktres, pinipili niyang maging patient sa sarili habang mas lalong nakikilala ang kanyang role sa bawat araw ng taping.

Samantala, makalipas ang halos pitong taon, muling mapapanood sa teleserye si James, na aminadong may halong kaba ang pagbabalik sa paggawa ng serye.

"Yes, it's good to be back. Coming into this role, wow, it's been a lot of nerves. Because it's been, I think, seven years or maybe more since my last teleserye," kwento ng aktor.

Gayunpaman, excited ang aktor dahil sa kakaibang karakter na gagampanan niya bilang si Jordan, na inilarawan niyang isang tunay na bestfriend na laging handang sumuporta sa mga mahal niya sa buhay.

Dagdag pa niya, mas magiging espesyal ang serye dahil maisasama rin niya ang kanyang passion sa music.

"I actually get to inject a lot of my own music into 'Someone, Someday.' I'm also writing one of the songs for the show," pagbubunyag niya.

Hindi rin pahuhuli si Maja na gaganap sa isang karakter na mas layered at mas misteryoso kumpara sa mga role na nagawa na niya noon.

Ang "Someone, Someday" ay umiikot sa kwento ng isang babaeng nasaktan sa nakaraang relasyon na gagawa ng isang modern dating app para tulungan ang ibang babae na makahanap ng pag-ibig pero sa proseso, muli rin niyang matutuklasan kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Bukod sa kilig, may halong misteryo at suspense rin ang serye na tiyak na magpapa-excite sa viewers!

Ang upcoming series ay this year ding mapapanood sa nasabing streaming giant, na 72 hours mas maaga bago ipalabas sa free TV.

The post Kathryn Bernardo, James pakilig sa 'Someone, Someday'; 1st time kasama si Maja appeared first on Bandera.


Kathryn Bernardo, James pakilig sa ‘Someone, Someday’; 1st time kasama si Maja Kathryn Bernardo, James pakilig sa ‘Someone, Someday’; 1st time kasama si Maja Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close