BREAKING NEWS

Ina nina Anne at Jasmine galit na galit kay Topacio: You have a filthy mouth!

Ina nina Anne at Jasmine galit na galit kay Topacio: You have a filthy mouth!
Ferdinand Topacio, Anne Curtis, Jasmine Curtis at Carmen Ojales Curtis-Smith

MULING tinalakan ng nanay nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith ang abogado at film producer na si Atty. Ferdinand Topacio.

Ito'y may kaugnayan pa rin sa pagtatanggol ni Topacio sa pambabastos ni Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay kay Anne sa naganap na hearing para sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Nagbigay ng saloobin ang abogado sa programa niyang "Yes…Yes…Yo! Topacio" matapos banatan ng madlang pipol si Suntay dahil sa "pagnanasa" at "pag-iinit" niya nang makita si Anne sa isang hotel.

"Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae, gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin, harapan na. Hindi kasalanan 'yun," ani Topacio. 

Aniya, na-misinterpret lang ng publiko ang "analogy" ng kongresista at paggamit nito kay Anne sa pagtatanggol at pagpapaliwanag nito sa kaso ni VP Sara.

Kasunod nito, binengga naman ni Topacio si Jasmine matapos itong maglabas ng pahayag laban kay Suntay para ipagtanggol ang kapatid na si Anne.

"Yung kapatid, bumanat pa, si Jasmine Curtis, parang binabastos daw 'yung kapatid niya, hindi daw tama…ikaw Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan? 

Hindi ba para ikaw ay pagnasahan at sumikat?

"'Wag mong sabihing art 'yon o ine-endorso mo 'yung brand nung bikini — BS 'yan," ani Topacio.

Dagdag pa niya, "'Yung mga artista d'yan, sina Ivana Alawi, bakit sila nagpo-post? 'Di ba para sa views? Straight talk." 

Inulan naman ng batikos si Topacio mula sa netizens at fans ng magkapatid na Anne at Jasmine. Hindi rin siya sinanto ng nanay ng dalawang aktres na si Ginang Carmen.

Bwelta niya, "Ferdinand Topacio your comment was completely below the belt, you have no right to say those nasty words about my daughter, or to judge her in any way.  

"That kind of behaviour is disgusting, disgraceful and absolutely unacceptable. You were not only disrespecting my daughter but showing (disrespect) to all woman. Think carefully before you speak!!!! Your words  have consequences !!!"  

"Ferdinand Topacio!! You have a filthy mouth!!!" matapang na resbak ni Ginang Carmen.  

Nauna rito, ni-repost pa ni Carmen ang YouTube link ng video ng pahayag ni Topacio at nilagyan ng caption na, "Mr. Ferdinand Topacio  bakit nyo hinahanap at tinitignan ang mga picture ng ANAK ko na naka-bikini?? 

"Wala din syang endorsement na naka-bikini .At di sya nag popost para sa inyo! Ginagawa ng mga babae ang mag post ng kanilang sarili dahil mahal nila sarili nila….Dogyut ka!!" sey pa ni Carmen.

Nag-react din si Jasmine sa mga sinabi laban sa kanya ni Topacio sa kanyang Facebook Stories, "YOWWWWW WHAT THE ACTUAL ????? WHAT THE!!!! DUGYOT KA!" 

Nagpabas na rin si Anne ng pahayag laban kay Suntay, "My name disgustingly used without my consent, in the wrong context, and more importantly, without an ounce of respect. 

"My initial reaction was one of shock. I was hurt, disturbed by how perverted it was, and angry. But now my thoughts are clear.

"Mr. Suntay, I won't spend much time on you. Not because what you did was small, but because this was never really about you. 

"Since you used me as an example, let me use you as one too. You've become the poster boy of something much bigger: a culture that still thinks it's acceptable to talk about women this way. Worse, one that tolerates it from our leaders. 

"Any leader who cannot respect women does not understand leadership at all. Respecting women, after all, is simply basic decency. 

"To the ethics committee: I hope you do not let this pass. The integrity of public office depends on the standards it upholds. I will be seeking legal advice and will consider all my options looking forward."

The post Ina nina Anne at Jasmine galit na galit kay Topacio: You have a filthy mouth! appeared first on Bandera.


Ina nina Anne at Jasmine galit na galit kay Topacio: You have a filthy mouth! Ina nina Anne at Jasmine galit na galit kay Topacio: You have a filthy mouth! Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close