BREAKING NEWS

Iloilo Public Market napiling major location para sa ‘Kusinerang Bulag’ ni Jean

Iloilo Public Market napiling major location para sa 'Kusinerang Bulag' ni Jean
Jean Garcia

BONGGA ang atensyong nagegets ngayon ng Iloilo Terminal Public Market matapos mapili bilang isa sa mga pangunahing lokasyon ng isang full-length feature film.

Ang naturang pelikula na may titulong "Kusinerang Bulag" (The Blind Cook) ay pinagbibidahan ng veteran star na si Jean Garcia at ng Kapuso actress na si Arra San Agustin.

Kinunan sa Iloilo City at idinirek ni Hugo "Boboy" Yonzon III, ang "Kusinerang Bulag" ay tungkol sa kuwento ng tatlong magkakapatid na bumangon mula sa trahedya at pagsubok upang muling itayo ang restaurant ng kanilang pamilya.

Ibinahagi ni Iloilo City Mayor Raisa Treñas ang mga larawan mula sa shoot sa kanyang Facebook page, kalakip ang mensahe ng pasasalamat sa pagpili sa palengke bilang isa sa mga pangunahing lokasyon ng pelikula.

"An upcoming full-length movie is currently being shot sa Iloilo Terminal Public Market, kag daw sa ano bala nga mapilian ang aton merkado as one of the main locations," aniya.

Pinuri rin ni Treñas ang mga Ilonggo sa kanilang pagpapakita ng matibay na diwa ng bayanihan, at sinabing ang kanilang pagmamahal at malasakit ay patuloy na nagbibigay ng karangalan sa siyudad ng Iloilo.

"Through its story and visuals, the film highlights the rich natural beauty, vibrant culture, and diverse gastronomic heritage of the city," nakasaad naman sa Iloilo Terminal Public Market sa kanilang Facebook page.

"Salamat gid for choosing Iloilo Terminal Public Market as part of your filming location!" dagdag pa nila.

Kabilang din sa naturang pelikula sina Victor Neri, Samantha Samarita, Madeleine Nicolas, at Jennica Garcia. Ito ang ikalawang proyekto ng Bente Productions, na nasa likod ng pelikulang "I Remember You" noong 2025.

Pumasok ang Iloilo City Government sa isang 25-taong lease agreement sa SM Prime, na naglaan ng humigit-kumulang P1.5 bilyon at P2.5 bilyon upang gawing moderno, malinis, at ligtas ang Iloilo Central Market at ang Iloilo Terminal Market,

Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 2,000 stalls ang mga pinagandang pamilihan na nagbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga tindero, at mas komportable at organisadong shopping experience para sa kanilang mga suki.

Bukas ang Iloilo Central Public Market mula alas-4 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi, habang ang Terminal Public Market naman ay bukas mula ala-1 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Ang redevelopment ng mga pamilihan ay bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan na "My Heart Beats in Iloilo City," na naglalayong ipakita ang natatanging pamana at kultura ng lungsod at palalimin ang ugnayang emosyonal ng mga mamamayan sa kanilang lungsod.

The post Iloilo Public Market napiling major location para sa 'Kusinerang Bulag' ni Jean appeared first on Bandera.


Iloilo Public Market napiling major location para sa ‘Kusinerang Bulag’ ni Jean Iloilo Public Market napiling major location para sa ‘Kusinerang Bulag’ ni Jean Reviewed by pinoyako on March 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close