Criza Taa spotted sa birthday party ni Andrea Brillantes, bati na nga ba?

TILA maayos nang muli ang samahan nina Andrea Brillantes at Criza Taa matapos maispatan ang Kapamilya artist na dumalo sa sa naging 23rd birthday celebration ni Blythe.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa sa loob ng photo booth.
Ibinahagi rin ni Criza ang isang maikling video na nagpapakita ng behind-the-scenes na mga sandali kung saan masaya silang nagpo-pose bago naghalikan sa pisngi.
Matatandaang kabilang ang dalawa sa tinaguriang "ABCD Girls," isang Gen Z friend group na nabuo kasama sina Bea Borres at Danica Ontengco matapos silang magsama sa 2018 na seryeng "Kadenang Ginto."
Baka Bet Mo: Criza Taa sa friendship ng ABCD Girls: It's not meant to last
Nagsimulang umusbong ang mga espekulasyon tungkol sa hindi pagkakaunawaan ng grupo noong 2024 nang mapansin ng mga faney ang pagkawala ni Criza sa tuwing magkikita-kita ang magkakaibigan.
Nanatili namang tahimik ang apat tungkol sa estado ng kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga intriga sa kung ano ang dahilan ng kanilang pagkakabuwag.
Pero nitong 2025, inamin ni Criza sa kanyang naging interview kay Toni Gonzaga na totoong nagkaroon ng misunderstanding ngunit hindi na niya idinetalye pa kung ano ito.
"Hindi ko rin po alam kung ano ang pinaka-main reason [because] we haven't really talked about it po. Siguro parang we're just not on the same wavelength at that time," paliwanag niya.
Dagdag pa ni Criza, "Hindi ko na po masasabing as close as before pero okay naman po kami. Siguro may mga ganu'n lang po talagang friendship na it's not meant to last. Parang bigla na lang pong nawala."
Kalaunan sa parehong taon, nakita ang dalawa na magkasama sa isang party, ngunit ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Criza ng larawan nila ni Andrea sa kanyang social media account. Hindi pa malinaw kung nagkaayos na rin ba niya sina Bea at Danica.
The post Criza Taa spotted sa birthday party ni Andrea Brillantes, bati na nga ba? appeared first on Bandera.

No comments: