Ex ni Claudine Barretto humiling ng second chance: Wala akong binabalikan!

SINO nga kaya ang tinutukoy ni Claudine Barretto sa kanyang pahayag tungkol sa isang dating karelasyon na nakikipagbalikan sa kanya.
Sa kanyang Facebook account, ibinuking ni Claudine na meron daw siyang ex-dyowa na nanakit noon sa kanya na nanghihingi ng second chance ngayon sa kanya.
Pero mariing sinabi ni Claudine na wala raw siyang binabalikan sa kanyang mga naging karelasyon.
"You broke me & now u want me back? Wala akong binabalikan!" ang mababasa sa FB post ng aktres.
Kasunod nito, nilinaw naman agad ni Claudine sa kanyang mga fans na hindi ang kanyang dating asawang na aktor na si Raymart Santiago ang tinutukoy niya.
Hindi rin daw ito ang ex-boyfriend niyang aktor din na si Mark Anthony Fernandez ang pinatatamaan niya sa kanyang hugot post.
"Si RS po ba yannn? Hayyy," ang tanong ng isa niyang FB follower.
"No not My husband dear," sagot ng aktres.
"Not Mark Anthony Fernandez he is a wonderful human being," ang comment pa ni Claudine sa kanyang sariling post.
Narito ang mga naging reaksyon ng netizens sa mga naging pahayag ni Claudine.
"Yan ang gusto ko ky ate clau, walang binabalikan! Hindi martir!"
"Whoever that person who tries to ruin your peaceful living, mama. I will make that person regret what he/she did to your family. Hinding-hindi nila magugustuhan ang gagawin namin. They've reach the line so far — better hide, doggies."
"Bet ko talaga si Claudine nag reply talaga sya sa comsec na di si Mark or si Raymart."
"Keep it private na lang."
"Relax lang idol Claudine Barretto kaya walang tumatagal satin eh."
"Basta ako idol clau si rico yan lang The Best for u nubg buhay pa sya."
"Parang sa movie nila ito ni rico yan? Dahil mahal na mahal kita ? Diko sure HAHAHAH familiar kasi yung line and parang napanood ko lang to lately HHAHAHAH. Kasi nanonood ako mga movie ng RYCB nakaraang buwan."
"Pahingi po ng clue para mahulaan ko."
The post Ex ni Claudine Barretto humiling ng second chance: Wala akong binabalikan! appeared first on Bandera.

No comments: