Derrick Monasterio binatikos sa pagiging ‘close’ sa beauty queen

USAP-USAPAN ngayon ang diumano'y pagiging malapit masyado ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio kay Binibining Davao de Oro Kalamboan 2026 Sam Aldeano.
Kalat na kalat na ngayon sa social media ang video clips ng aktor kung saan hinaharana niya ang mga kandidata sa kanyang intermission performance sa naturang beauty pageant.
Makikita ang paglapit ni Derrick kay Sam pagkatapos ay inilagay ang kanang kamay nito sa bewang ng dalaga habang kinakanta ang "Photograph" ni Ed Sheeran.
Mahahalata naman sa mukha ni Sam na tila nailang ito sa aktor ngunit ngumiti pa rin habang kinakantahan.
Baka Bet Mo: Elle Villanueva natatakot magkaanak; Derrick Monasterio biglang naiyak
Mapapansin rin ang tila pagtawa ni Derrick at ang tila pahaging nito sa lyrics na "Wait for me to come home" sa dalafa bago ito pakawalan.
Marami sa mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang ginawa ng aktor kaya naman umani ito ng batikos online.
Samantala, inamin naman ni Sam sa totoong nakaramdam siya ng pagkailang kay Derrick ngunit pinili niya pa ring maging propesyunal.
"Not gonna lie, I was uncomfortable at the time, but the show must go on! I have to be professional. I'm okay, guys, thank you for checking in on me," saad ni Sam sa Bisaya.
Samantala, nagbigay update naman na si Sam at sinabing nag-reach out na sa kanya si Derrick at nagkausap na sila.
The post Derrick Monasterio binatikos sa pagiging 'close' sa beauty queen appeared first on Bandera.

No comments: