Jopay Paguia ipinagtanggol si Alvin: Gusto lang niya mapalapit tayo kay Lord

HINDI naiwasan ni Jopay Paguia ang maging emosyonal kaugnay sa mga binitawang kontrobersyal na pahayag ni Alvin Aragon na nagsimula dahil sa hindi pagsama ng kanilang kasamahang si Izzy Trazona sa reunion concert ng Sexbomb.
Sa naging panayam sa kanya ng brodkaster na si Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel ng huli, naluha ang Sexbomb member at humingi ng sorry sa publiko kung nasaktan ang mga ito sa mga sinabi ni Alvin.
Lahad ni Jopay, layunin lang ni Alvin ang mapalapit ang publiko sa Panginoon.
"On behalf of Alvin and Izzy, or Alvin nalang, Ako na yung humihingi ng pasensya sa mga tao. Kasi ang gusto lang naman nila, is 'yung mapalapit tayo kay Lord.
Baka Bet Mo: Jopay Paguia 'pipityuging babae' raw, basher nasayangan kay Joshua
"Mali man 'yung bitawan [at kung] paano [ito sinabi] ,pero isa lang naman ang goal, is yung mapalapit tayo kay Lord lahat," saad ni Jopay.
Hiling pa niya, sana raw ay patawarin na ng madlang pipol si Alvin at matigil na ang pambabatikos rito dahil nadadamay na rin ang pamilya nito lalo na ang kanilang kaibigan na si Izzy.
"Ano man yung pinagdadaanan natin… So patawad. Patawarin talaga. Tigilan na. Kasi may dalawang anak na babae 'yun. Kasi nararamdaman ko si Izzy, sobra. Kasi kung sa akin po mangyari 'yun, baka hindi ko kayanin," pagpapatuloy pa ni Jopay.
Sinabi rin ng Sexbomb singer and dancer na maaaring nagkamali lang ng paraan ng pagsasabi si Alvin ngunit mabuti ang intensyon nito na maging malapit sa Diyos.
Humingi rin siya ng tawad sa mga celebrities na naapektuhan sa mga naging pahayag ni Alvin.
"So kung nasaktan man kayo ni Alvin, Kina Ate K, kay Ian, kay Gloc-9, sorry po." hinging tawad ni Jopay.
Kung tutuusin ay tama naman raw ang mga sinabi ni Alvin kung pagbabatayan ang mga sinabi nito sa mga nakasulat sa Bibliya.
Giit ni Jopay, mas mahalaga ang pagkakaroon ng kapatawaran at mas kumapit sa pananampalataya sa kabila ng hindi pagkakaunawaan.
The post Jopay Paguia ipinagtanggol si Alvin: Gusto lang niya mapalapit tayo kay Lord appeared first on Bandera.

No comments: