BREAKING NEWS

Palasyo binalaan ng mga kaso ang mga hoarders, profiteers

Inflation rate tumaas sa 2.4% noong February 2026

SASAMPAHAN ng mga kaso ang mga negosyanteng magsasamantala sa kasalukuyang krisis sa Gitnang Silangan.

Babala ito ni Palace Press Officer Claire Castro at partikular niyang binanggit ang mga ilegal na magtatago at ilegal na magtataas ng presyo ng mga produkto.

Baka Bet Mo: Palasyo kay VP Sara Duterte: 'Ginawa din kaya ng tatay mo!'

"Alam naman po natin na may batas sa mga aksyon ng hoarding at profiteering, na inaabuso ang ganitong klaseng sitwasyon na hindi naman kinakailangan na sila ay magtago o lumaki po ang kanilang kita o tubo dahil hindi pa ito napapanahon," sabi ni Castro.

Naglabas na ang Department of Energy (DOE) ng show cause order laban sa 54 na gasolinahan dahil sa maaga at ilegal na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Tiniyak ng Malakanyang na may sapat pang suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa bagamat nagpatupad kanina ng bigtime oil price hike.

The post Palasyo binalaan ng mga kaso ang mga hoarders, profiteers appeared first on Bandera.


Palasyo binalaan ng mga kaso ang mga hoarders, profiteers Palasyo binalaan ng mga kaso ang mga hoarders, profiteers Reviewed by pinoyako on March 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close