BREAKING NEWS

Carlos Yulo ‘minalas’ sa pagbili ng engagement ring para kay Chloe San Jose

Carlos Yulo 'minalas' sa pagbili ng engagement ring para kay Chloe San Jose
Chloe San Jose at Carlos Yulo

NAPURNADA ang pagbili ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ng engagement ring para kay Chloe San Jose

Looking forward na pareho ang celebrity couple sa kanilang pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya pero mukhang hindi pa raw ito mangyayari very, very soon.

Sa interview ng "Fast Talk with Boy Abunda", inamin ni Carlos na nag-try na siyang bumili ng engagement ring noong 2023, nang magsimula silang mag-live in.

"Tinray ko po actually, pero hindi po talaga ako nakabili. Tinray ko sa Japan bumili, tinray ko rin sa Singapore bumili. 

"Pero ewan ko, parang hindi sumasang-ayon po sa 'kin 'yung mundo at that time," chika ng gymnast champ.

Kuwento naman Chloe, isa sa mga dahilan kung bakit feeling niya ay hindi natuloy ang pagbili ni Carlos ng singsing ay dahil aksidente niyang nabuking ito.

"Eh, kasi po nag-notif sa e-mail niya, so then hindi ko naman po sinasadya. Nakita ko po nag-notif na reservation for a ring, ganyan-ganyan. 

"So of course, I had to tell him because we're super open. And of course, the surprise na rin, mawawala na. 

"I don't also want to lie about it naman or act surprised na kasi siyempre, mawawala 'yung magic," saad ni Chloe.

Sey naman ni Carlos, darating din daw yung perfect time para mabili niya ang engagement ring for Chloe. Siniguro naman ng dalaga na magye-yes siya kapag nag-propose na si Caloy.

Nauna rito, sinabi nina Carlos at Chloe na hindi na nila kailangan ang basbas ng kani-kanilang pamilya sakaling magdesisyon na silang magpakasal.

"As long as tayong dalawa nagkakaintindihan," ani Carlos.

"I feel like it would get complicated kapag there's too many people getting involved. 

"And I feel like po if you have the right circle, they wouldn't make you feel that way, to have to consider them and not to consider. It's a safe space po kasi," chika ni Chloe.

The post Carlos Yulo 'minalas' sa pagbili ng engagement ring para kay Chloe San Jose appeared first on Bandera.


Carlos Yulo ‘minalas’ sa pagbili ng engagement ring para kay Chloe San Jose Carlos Yulo ‘minalas’ sa pagbili ng engagement ring para kay Chloe San Jose Reviewed by pinoyako on March 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close